Thank you all, and keep safe everyone! ❤
Naghintay kami ni Nicole ng mga ilang minuto bago pa man siya makabayad sa cashier.
"Nagtext sakin si King na pupuntahan daw niya tayo" sabi ni Nicole habang nilalagay ang product na binili niya sa shoulder bag niya.
"Oo nga eh, papunta na raw siya sa . . ." sabi ko at bumaba na kami papuntang ground floor ng saktong nakasalubong namin siya
"Oh James, Nicole tapos na kayo?"
"Oo eh wala na kaming gagawin" nakangiting sabi ni Nicole at siniko ko siya
Naiilang na kasi ako sa kanya, di ako makatingin ng maayos tapos sasama pa sa amin ngayon. Tsk
"Tara, maglakad-lakad muna tayo" pag anyaya nito ng biglang humirit si Nicole
"Ah uuwi na pala ako, tumawag sa akin si mommy may pupuntahan daw kami, kayo nalang hihi" Nakangiti nitong sabi tsaka palihim ko na naman siyang siniko
"Ano ka ba tumahimik ka nga diyan" pasimple kong sabi kay Nicole habang hinahawakan ko ang kamay niya at pipigilang umalis ngunit kumawala ito
"May problema ba?" biglang tanong ni Marco
"Ahh wala King, mauna na ako hinihintay na kasi ako ni mommy eh. Enjoy kayo!" sabi nito habang tinutulak ako papalapit kay Marco tsaka kumaripas pauwi
Ugh. . . kainis talaga
"Ahh James kain muna tayo treat ko" sabi niya at heto na naman yung pahablot kamay effects niya
Kinuha niya bigla ang kaliwang kamay ko tsaka tinungo namin ang Food Court sa itaas.
"Oh teka teka lang King" pagpigil ko sa kanya ng bigla na naman niyang ginamit ang lakas niya tsaka hinila niya ako papalapit tsaka nagkalapit ang aming mga mukha
"Akin ka ngayon James" tanging nasabi niya tsaka nagtigilan ako at nagkatitigan kami ng mga ilang segundo.
"Ah-ah eh" umiwas sa ako sa pagtitingan namin
"Sorry" aniya
ng agad kami kumawala sa isat-isa at nagkailangan.
"Tara na" nakangiti niyang pag-anyaya tsaka
Tumango lang ako, para akong tuta na sinusunod ang ano mang kagustuhan niya. Tinungo na namin ang food court upang dun mananghalian.
"Banyo muna ako King"
"Samahan na kita" bigla niyang sabi
"Gago" sabi ko. Ngumiti lang siya at tumuloy na sa banyo.
Ilang minuto ang nakalipas, nagmamadali akong palabas ng banyo ng mabunggo ako ng isang batang babae
Natumba siya
"Naku, sorry sorry talagaaa..." at tinulungan ko siyang makabangon
"Okay lang po, di naman ako masyadong nasaktan" nakangiti nitong tugon
"sigurado ka ba? gusto mo libre kita Milk tea?" pag-anyaya ko para man lang makabawi ako. Maiintindihan naman siguro ni King kung bat ako matatagalan
"Talaga po?" sabi nito na may malaking ngiti sa mukha
"Tara" sabi niya at pumunta na kami sa pinakmalapit na milk tea stall
"Sino kasama mo dito?" natanong ko
"Ahh kasama ko po daddy ko tsaka tito po"
"Talaga ba?"
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...