Chapter 11: Thorn Between Two Lovers

529 29 0
                                    

Jack's POV:

"Hindi na natin pwedeng ituloy ang reunion natin pare" sabi ko habang naglalakad paikot-ikot dito sa sala habang nag-iisip ng maaring pwedeng gawin.

"Teka pare, kung nakita mo si Ivan kanina sa mall. Malamang nandito rin lang din sina James at Kurt. Kung hindi man sila nagsama sama, malamang magkakalapit lang sila" ika ni Melvin

"Eh hindi mo ba siya natanong kanina pare kung alam ba niya kung nasaan si Kurt o James?" Dagdag ni Bryan

"Ano ka ba pare, eh kahit na alam niya kung nasaan sila, hinding hindi niya ito sasabihin"

"Kaya nga, anong gagawin natin? mamaya aalis na naman ako kasi may business meeting ako." Sabi ni Melvin

"Eh kung puntahan mo nalang kaya ng personal tapos kausapin mo, ganun lang kasimple" suggesstion ni Bryan

"Ang mas mabuti pa siguro kung alamin muna natin kung saan na siya nakatira ano? Dami nating plano wala namang nagyayari" sabi ko tsaka agad na umalis.

Alam kong gumagawa na ng paraan si Ivan lalo pa at alam na niyang nandito na ako sa bansa. Dapat sa lalong madaling panahon ay magkita at makausap ko na si James.

Hindi ko na to hahayaan pang mangyari. Malalaman at malalaman din ng lahat ang katotohanan.

End of Jack's POV










Pagkatapos naming magkape at magchikahan ay pinuntahan ko kaagad si Abby sa kanyang room upang icheck ang kalagayan nito.

Habang papunta ako sa kwarto ay nakasalubong ko si Ivan.

Ngumiti lang ako na parang walang nangyari sa pagitan naming dalawa at pabukas na sana ako ng pintuan ng bigla niya akong hinawakan sa braso

"Pwede ba tayong mag-usap saglit, James?" Mahinahon niyang tanong

Pumayag naman ako at tsaka tinungo namin ang terrace sa dakong kabila.

"Kumusta ka na?" Biglang tanong niya

Hindi ko akalaing kukumustahin niya ako ah. Pero sige papatulan natin kung ano mang gusto niyang ibig sabihin at malaman.

"Ayos naman, ang tagal din nating hindi nagkita ah" sagot ko naman

"Kaya nga eh, alam mo. Maayos na ang mga buhay namin, isa ng magaling na Engineer si Kurt, ako naman ay may pinapatakbong negosyo. Nakalimutan na namin ang lahat James kaya sana naman . . ." naputol niyang pagkasabi ng bigla akong sumabat

"Kaya naman ano? Sana hindi na lang ako nagpakita sa inyo? Sana hindi nalang ako ang naging doktor ni Abby ganon ba yun Ivan?" Panggigigil kong sabi

"Parang ganon na nga" deretsahan niyang pagkasabi

"Eh bakit parang kasalanan ko pa? Ginusto ko ba? Pilit ko na lang kalimutan ang lahat Ivan kahit pa man hindi ako yung may kasalanan sa lahat." Pasigaw kong pagkasabi dala sa galit kong umaapaw

"Alam kong alam mo yan Ivan. Tandaan mo, pinili kong manahimik na lamang para sa lahat. Masakit para sa akin Ivan, nagtiis ako, naghirap at nagsumikap para sa pangarap ko dala-dala itong mapait na nakaraang kailanma'y hindi ko ginawa" panggigil kong sabi sa mismong harap niya.

"At paano ka naman nakakasigurong tanggap at napatawad ka na ni Kurt ha James? Huwag kang malinlang sa ipinapakita niya sayo. Nakakasilaw yun, hindi mo alam kinakain mo na din pala pati ang tinik"

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon