Chapter 21: Theory of Love

497 30 0
                                    


Marco's POV:

Mga ilang araw din akong walang contact kina James at Nicole after noong pagkalasing ko. Hindi ko sila natawagan o nabisita man lang sa mga panahon ito dahil busy ako sa business namin at tsaka pagod na pagod ako lately.

Ngayon ay kasalukuyan akong nagmamaneho ng may biglang tumawag

*Melvin is Calling

Ano na naman ba ang kailangan nito.



"Hello?"

"Marco kita tayo sa park mamaya bandang 3pm, hihintayin kita. See youu" Mabilis nitong pagkasabi tsaka pinatay na ang tawag

"Hin -

"Hello? Melvin wooy"

toot  tooot

toot . . .



Hayst, ano bang magagawa ko. Eh hindi na nga ako pinasalita eh.

Pupunta sana ako ng hospital ngayon para dalawin sina James kaso on leave pala sila ni Nicole ngayon.

Bat niya kaya ako gustong makita?

End of Marco's POV


















Ivan's POV:

Pinagmamasdan kong kumakanta si Kurt, dinadama ko ang bawat pagkanta niya na mas lalong ikinagwapo niya.

Mas lalo akong nainlove sa pagkatao niya.

Pero hindi talaga ako natutuwa ngayong araw, kahit kailan paepal talaga tong si James. At sa totoo lang, ito yung birthday party ni Abby na hinding-hindi ko nagustuhan. Lalo pa ngayon na nakikita ko sa dalawang mata ko na nagkakasiyahan si Kurt at si James.

Parang bumabalik na yung dating samahang minsan ko ng nagawang buwagin. Kaya, hindi malayong magagawa ko rin ito ngayon.

At gagawin ko ito, ngayong araw!

Masayang-masaya si James at Kurt na naghaharutan sa sala. Kaya naman, nagluto ako ng isa sa mga paboritong ulam ni Kurt 'ang pininyahang manok'

Lumapit ako sa kanya upang matulungan ako sa niluluto ko at para narin makuha ko ang kanyang atensyon ngayon araw.

Di hamak na mas nakalamang si James ng konti sa akin ngayong araw.

"Kurt, pwede ba kitang makausap sandali?"  pahintulot ko

Habang tahimik lang si James sa tabi nito.

"ahh excuse me lang muna saglit James ha" sabi nito at agad akong sinundan patungong kusina

Pagkarating kaagad namin sa kusina ay kaagad akong humingi ng tulong sa kanya.

"Ahh Kurt, pasensya na sa distorbo ha. Nagluto kasi ako ng pininyahang manok, diba paborito mo to?" nakangisi kong sabi sa kanya

"Bat ka pa nag-abala Ivan. Pero salamat ha, alam na alam mo talaga mga gusto ko" nakangisi din niyang tugon

"Kaya nga eh, tinawag kita kasi gusto kong tikman mo tong niluto ko. Baka kasi hindi mo magustuhan" sabi ko sabay kuha ng kutsara at kumuha ako ng konting sabaw tsaka sinubuan siya.

Magkalapit kami ngayon ni Kurt, habang sinubuan ko siya ay bigla kong nakita si James na paparating dito sa amin kaya  pagkatapos ko siyang subuan ay kaagad ko siyang hinalikan.

Hindi naman siya umiwas kaya pinagpatuloy ko ang aming paghahalikan.

Sa mga ilang sandali ay bigla nalang siyang kumawalag at mukhang nabigla sa mabilis na pangyayari.

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon