Chapter 16: 'The truth will set you free'

566 27 0
                                    

Marco's POV:

Nagising nalang ako ng nabigla ako sa aking nakita.

Katabi ko si Melvin at hubo't hubad pa kaming dalawa dito sa loob ng kwarto niya.

0_______0!?


"Arghhhhh, ano na naman ba tong pinaggagagawa ko"



*napakamot sa ulo





Hindi ko na siya ginising pa dahil mukhang maganda naman ang naging tulog niya. Bumangon ako at aalis na sana ng bigla niya ako hinawakan.

"San ka pupunta, ha? dito ka lang muna" basag ang boses nito ng sinasabi ito

Hindi naman ako nagpadala sa pagpigil niya kaya tumayo ako at kinuha ang mga damit sa sahig at tsaka umalis na.

Gusto ko pa sanang maligo dahil ang baho na ng katawan ko, para akong naligo ng Chlorox na di ko maintindihan ang baho. Ang lakas ng baho niya na sumisingaw sa buong katawan ko. Pero baka magising patong taong to, di ko kayang humarap sa kanya ngayon.

Habang nagmamaneho ako ay iniisip ko ang mga kaganapang nangyari sa amin ni Melvin.

Sa di kalaunan . . .

"Oh Sh*t Arggghh"

*napagtanto ang mga nangyari

Ba't ko na naman ba yun nagawa?

Sh*t!!!


Pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na uulitin pa yung ginawa ko sa bestfriend ko noon. Nalasing ako at dala ng kalibugan ay pinaglaruan niya ako. Kaya ko natutunan ang mga ganoong gawain.

Pagnalalasing kasi ako, kung ano ano na pinagsasasabi ko at kung ano ano nalang ang ginagawa ko.

Ba't di niya lang ako pinabayaan kagabi?

Bakla na ba ako nito?

Grrrrrr!!! Ba't sa kanya pa. Hindi ko alam, gusto kong magtago sa kahihiyan. Haaaaist!!


















Jack's POV:

Pinili ko munang mapag-isa sa mga panahon ngayon upang makapag-isip.

Ngayon ay andito ako sa Isla at nakipagkita ako sa isa sa mga taong alam kong matutulungan ako na makapag-isip ng mga bagay at mapagdesisyonan na ang gagawin.

"Alam ko na sa tuwing pumupunta ka dito ay may gusto kang ibig na maunawaan sa buhay" sabi ni Kuya Roy

Si kuya Roy ay isa sa mga matalik at mapagkakatiwalaan kong kaibigan. Isa siya sa mga tumulong sa akin noong mga panahong naguguluhan ako sa buhay at sa mga nangyayari anim na taon na ang nakaraan.

"Heto nga eh, di ko alam anong gagawin ko. Alam mo yung feeling na baka ikaw pa yung maging dahilan para masira na namang muli ang mga buhay nila"

"Sabi nga nila 'The truth will set you free' Kung ang paglalahad ng katotohanan ang siyang tatapos sa lahat. Hindi naman yun pagsisira ng buhay

"Ibig sabihin lang nito na binibigyan mo sila ng pagkakataong maitama ang dati pa'y mali na.

"Kung may nagtanim ng prutas, sabihin nating mangga, tapos nakita mong masaya at excited na siya sa magiging bunga dahil inalagaan niya ito ng maayos. Ngunit, alam mo na kailanman ay hindi ito magkakaroon ng bunga dahil sa lupang pinagtaniman nito.

"Ano sa tingin mo ang gagawin?"

napaisip ako bigla sa kanyang tanong.

"Sasabihin ko sa kanya na tanggalin ang prutas na itinanim niya dahil hindi ito magkakaroon ng bunga."

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon