Chapter 12: Fate is Working

509 30 0
                                    


Marco's POV:

"Ahh King maraming salamat sa paghatid mo sa 'kin, ang aga-aga pa oh" tanging sabi niya

"Alam mo namang gagawin ko talaga to para sayo James eh" nakangisi kong sabi

Inagahan ko talaga ang gising ko para masundo ko siya galing trabaho. Alam kong pagod na pagod siya kaya ako na ang kusang sumundo sa kanya.

"King . . ." sabi niya ngunit

"James, hindi ko kailangan ng sagot mo ngayon. Ang alam ko lang ay mahalin ka sa paraan na alam ko. Hindi mo ko masisisi James" inunahan ko na siya. Hindi naman ako nagmamadali.

Alam kong iba lang itong nararamdaman ko para sa kanya at hindi ito yung pagmamahal na sinasabi nila

"Ingat ka, aalis na ako at may client pa akong imemeet" nakangisi kong sabi tsaka umalis na

I tried to escape kaso hindi ko kaya. Andami ng times na nagparamdam ako sa kanya ngunit parang wala lang, wala namang nagyayari eh.

Alam ko namang alam na niya ang nararamdamam ko para sa kanya pero siya yung umiiwas. Ewan ko ba kung bakit. Tsaka di ko na lang muna ito iisipin at may client meeting pa akong pupuntahan mamaya.

Umuwi muna ako sa bahay at nag-ayos dahil may business meeting pa ako this afternoon.

End of Marco's POV:
















Melvin's POV:

"Hindi na natin pwedeng ituloy ang pagtitipon pare" sabi ni Jack habang naglalakad paikot-ikot dito sa sala habang nag-iisip ng maaring pwedeng gawin.

"Teka pare, kung nakita mo si Ivan kanina sa mall. Malamang nandito rin lang din sina James at Kurt. Kung hindi man sila nagsama sama, malamang magkakalapit lang sila" ani ko. Alam ko namang magiging mahirap ito para kay Jack kaya tutulong at tutulong ako sa kahit ano mang paraan.

"Eh hindi mo ba siya natanong kanina pare kung alam ba niya kung nasaan si Kurt o James?" Dagdag ni Bryan

"Ano ka ba pare, eh kahit na alam niya kung nasaan sila, hinding hindi niya ito sasabihin" sabi ni Jack na may punto naman talaga

"Kaya nga, anong gagawin natin? mamaya aalis na naman ako kasi may business meeting ako." Sabi ko

"Eh kung puntahan mo nalang kaya ng personal tapos kausapin mo, ganun lang kasimple" suggesstion ni Bryan

"Ang mas mabuti pa siguro kung alamin muna natin kung saan na siya nakatira ano? Dami nating plano wala namang nagyayari" sabi ni Jack tsaka agad na umalis.

"Ewan ko na pare kung anong gagawin, ah bahala muna kayo aalis na muna ako at may importante pa akong lalakarin" sabi ko tsaka umalis na

"Oy teka teka wag niyo naman akong iwan" sabi ni Bryan, di ko na lamang ito pinansin at tumuloy na

Ilang oras ang makalipas at tumungo na ako sa lugar kung saan kami magkikita ng client ko. At yun, na late na naman ako.

"Sorry natagalan ako, kanina ka pa ba dito?" Pagpapaumanhin ko

"Okay lang, kararating ko lang din" sabi nito

"Ahh Melvin pare, Melvin San Jose" sabi ko at nakipagkamay sa kanya

"Marco, Marco Alcantara" pagpapakilala at nagsimula na kaming mag-usap patungkol sa business namin which is ang alak.

Isa kasi ang family namin sa mga major stakeholders ng company namin. Ewan ko ba at bat ngayon lang kami nagkita nitong si Marco.

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon