Chapter 4: Beauty Product

543 30 2
                                    


"San ba kasi tayo pupunta ha at bat parang atat na atat ka diyan sa pupuntahan natin?" pagtataka kong tanong sa kanya

"Ano ka ba, may bagong ipapalabas na beauty products ang watsons galing Thailand limited lang daw stocks nila so dapat makauna tayo kasi ayaw kong maubusan for sure dagsa bukas ang mga tao dun" Sabi nito na halatang takot na takot maubusan ng stocks

"Jusko akala ko kung ano haysst!!" Inis kong sabi na akala ko talaga kung anong mahalagang pupuntahan.

"Kung alam ko lang sana na sa Watsons lang pala ang bagsak namin eh di sana di na ako sumama" mahinahon kong pagkasabi

"James !*! " sabi nito sabay taas ng kilay

ngumiti lang ako na parang okay lang sa akin ang lahat.

Eh wala eh, may magagawa pa ba ako? KAIBIGAN EH, and I have that one word na paninindigan ko talaga.

kaibigan ko si Nicole and no matter what she does, I will always support her dahil siya lang ang taong naniwala sa akin na inosente akong tao at wala akong naging kasalanan sa lahat.

*BUS STOP

IVAN'S POV

"Kurt sa may watsons lang ako ha may ibibilhin lang ako" sabi ko at tumango lang ito

Iniwan ko sila sa may ground floor saglit kasi may gusto lang akong bilhing item na bagong labas ng watson. Nabalitaan kong may bagong beauty products daw na galing Thailand tapos limited lang stocks so dapat makauna ako ng kuha.

Nasa may 3rd floor ang watson so medj may kalayuan siya. Tamang pagkadating ko ay madami ng costumers ang bumibili ng product. Pagpunta ko ay agad naubos ang product and thank God eh natirhan pa ako ng isa.

"Miss, meron pa ba kayong ganito?" tanong ko sa saleslady habang hawak hawak ang nag iisang item

"Ay sorry po sir, limited lang po talaga ang stocks namin niyan. Actually bagong item namin yan dito, di bale Sir by next month mas madami po kaming pinurchase na product" Paliwanag niya, tumango lang ako tsaka dumerecho na sa cashier.

As if naman na may choice pa ako so kinuha ko nalang ang isa.

Nasa kalagitnaan ako ng mataas na pila ng may napansin akong mukha na napaka familiar sa akin. Natigilan ako bigla at pinagmasdang mabuti ang mukha na aking nakita na nakapwesto sa may labas.

Umalis ako sa pagpila at siniguro kong talagang maigi

OO NGA! SI JAMES SARMIENTO

nagulat ako sa nakita ko ng may biglang lumapit sa kanya tsaka

TAMA! SI NICOLE SMITH

magkasama pala talaga sila hanggang ngayon ha. Akma na sana akong pupunta sa kanila ng sinita ako ng isang saleslady na kanina pa pala ako pinagmamasdan

"San ka pupunta?" pagbabanta niyang sabi sabay turo sa product na dala dala ko na di ko pa pala binayaran.

Hayst! umiiling ako at bumalik nalang sa pila ng makita ko ang taas taas na pala.

"Ate diba ako kasunod mo" Pagpupumilit ko pero hindi ito nagsalita

"Oh dun ka na, Wag kang sumingit singit jan pumila ka ng maayos" Galit na sabi ng mama sa may likuran ko na pilit ako pinapaalis and so wala naman akong magawa kundi pumunta sa pinaka dulo at bumalik sa pagpila.

Tiningnan ko ulet ang lugar kung saan sila nakapwesto, ngunit, nawala na sila. Lumingon lingon ako sa kahit saang sulok pero ni anino nila di ko na makita, sa dami din kasi ng mga tao. Umalis na yata sila kung ganon. Hayst, ang tanga tanga ko talaga.

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon