Chapter 18: Desperate Love

515 30 0
                                    


"Sabay na tayo bukas ha" sabi ni Nicole

"Oo kaya agahan mo bukas sa bahay, nakapag file na ako ng leave natin."

"Teka, hindi ba natin isasama si Marco?" Biglang sabi nito

"H'wag na siguro, eh hindi naman niya kilala yung mga taong pupuntahan natin. Tsaka nakakahiya ng magdadala tayo ng hindi man lang nila alam" paliwanag ko ng biglaang . .

"Teka, may balita ka ba sa kanya lately? Hindi na kasi siya nagtetext tsaka di rin siya nagpapakita sa atin nitong mga nakaraang araw" labis kong pagtataka.

Simula nung nakipag inuman siya dun sa mga bagong tropa niya eh hindi na namin siya mahagilap. Di naman alam kung saan na yun magpunta.

"Di nga rin, baka busy lang sa business niya"  sabi nito tsaka tinungo na ang ward ng biglang tumawag si Kurt



"Hello"

"Hi James, kumusta?

"Heto okay naman, busy sa work eh."

"Ganon ba, pero tuloy kayo bukas ha. Excited na kami makita kayo hihi"

"Ahh oo, asahan mo maaga kaming pupunta jan"

"Sige, hihintayin namin kayo. See you"

At binaba na ang tawag.





Excited na din ako sa birthday at sana walang mangyayaring hindi maganda bukas.

I reaaly pray to the Lord na magiging maayos ang celebration bukas. No more hatreds, all for love.

















Ivan's POV:

"Tita naka pag order na po ako ng cake para bukas kaya wag niyo na po yang alalahanin

"Tsaka pinuntahan ko na din po yung organizer, mamaya andito na po yun." Nakangiti kong sabi kay Tita na sobrang busy sa mga luluting pagkain bukas.

"Naku, maraming salamat Ivan ha. Maasahan talaga kita kahit kailan." Nakangising sabi ni Mama

Syiempre gagawin ko talaga ang lahat lalo pa sa mga panahon ngayon.

"Ano ka ba Tita, it's always my pleasure to help. Para na akong pamilya dito tsaka tita ano ka ba, antagal tagal na natin tong ginagawa" natatawa kong sabi

Well it's Abby's 7th birthday, dapat bongga pa din ang celebration. Tsaka hindi ko na sasayangin itong opportunity na ito. Lalo pa at darating bukas si James, I am totally confident na bukas ay makukuha ko na ang puso ni Kurt.

At ibibigay ko sa kanya ang pagmamahal na deserve niya.



Makikita niya . . .



At pagsisisihan niyang pumunta pa siya dito.




*Biglang dumating si Kurt




"Ano, ready na ba ang lahat?" Sabi nito

"Oh anak, bat ang aga mo yata"

"Nagpaalam po ako ma, tsaka dapat kasali pa rin ako sa paghahanda ng celebration" nakangisi nitong sabi

"Naku Kurt alam mo wala ka ng dapat ipag-alala. Everything is okay and everything is set for tomorrow's celebration" nakangisi kong sabi ng bigla niya akong nilapitan tsaka inakbayan

"Kaya gusto kita eh" sabi nito

At bigla kaming natigilan at nagkatitigan . .

Bigla ko siyang hinalikan sabay sabing

"Mahal ki . ."



"Shhhhh



Sabay lagay ng isang daliri niya sa bibig ko


"Alam ko Ivan, alam ko. Kaya h'wag kang mag-alala at matututunang ko ring mahalin ka. Hindi man ngayon pero darating din ang tamang araw" sabi niya tsaka hinalikan ako sa noo


Naging maluwag ang damdamin ko at naliwanag sa lahat.


Ngayon ay hindi na ako matatakot pa at alam kong magiging akin din ang taong pinapangarap ko, tamang hintay lang sa tamang araw.

End of Ivan's POV



















Melvin's POV:

Pauwi na ako ng bigla kong napagtanto ang lahat.

May naging kasalanan din ako at sobra sobra kong nasaktan si Marco sa lahat ng binitawan kong salita sa kanya kanina.

Kaya hindi akonnag alinlangan at binalikan siya kaagad. Kahit pa man galit na galit ako sa kanya, sana naging maingat ako sa mga salita ko kanina. Oo, masama ang loob ko but I think I have no right para bastusin siya ng ganon ganon.

Pagkadating ko kaagad sa bahay nila ay dumerecho ako sa guest room ng madatnan ko siyang nakaupo sa sahig at nakayuko habang umiiyak.

"I'm sorry, di ko sinasadyang saktan ka."

Malumanay kong sabi tsaka niyakap ko siya ng mahigpit.

"Tahan na, di ko sinasadyang saktan ka"

Pinatayo ko siya at pinaupo

"Sorry, nadala lang talaga ako sa galit ko"

"Naiintindihan naman kita, kung gusto mong magalit sa akin pare sige lang. Saktan mo lang ako, hanggang sa mawala na yang galit sa puso mo"

"Hindi pare, may kasalanan din ako. Sorry talaga, sorry kung nasuntok kita, sorry kung nasabihan kita ng kung ano ano.

"I mean it pare"

"Kasalanan ko din naman ang lahat"

"Hindi pare, pareho tayong nasarapan. Pareho tayong may mali, Kaya wala ng magsisihan"

"Gago ka talaga pare" tawang tawa niyang sabi tsaka umalis na ako

Pauwi na ako ng makaramdam ako ng gaan sa puso ko. Naliwanagan ako sa lahat, at naging mas maunawain.

Ewan ko pero bat iba yung pakiramdam ko sa kanya lalo na kanina. Ang gaan ng loob ko, ni hindi ko man lang magawang magtanim ng galit sa kanya.

Tsaka, hinahanap-hanap ko na yung sarap sa kanya.

Humanda sa akin yung mokong na yun. Baka sa kanya ko lang talaga mahahanap ang kaligayahang hinahanap ko.

End of Marco's POV
















End of Chapter 18

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon