Marco's POV:Malipas ang mga ilang araw matapos ang matinding harapan ng mga dating magkakaibigan ay pinili ko na lamang na manahimik. Patuloy parin ako sa lahat ng bagay na ginagawa ko.
Ayaw ko ng dumagdag pa sa gulo nila, alam kong masakit lalo na para kay James ang lahat pero alam kong makakayanan din niya ang lahat.
Nasa NBS ako ngayon upang bumili ng mga bagong gamit at libro na magagamit ko. Habang namimili ako ng libro na maaaring bilhin ay may biglang nag abot sa akin ng libro.
"The Choice, a novel written by Nicholas Sparks"
"Isa yan sa mga paborito kong novel. Its all about overcoming barriers" nakangising pagkasabi ni Melvin na di ko inaasahang darating
"Anong ginagawa mo dito? . . .
"Sinusundan mo ba ako?" bigla kong sabi sa kanya ng harapan
"bayaran mo na din yang libro na yan para sa akin" nakangisi niyang tugon at bigla ng tumalikod.
Haaayst!! Nakakunot ang noo ko papuntang cashier, pagkatapos kong makabili ay naglakad lakad muna kami dito sa loob ng mall.
"Mukhang maganda tulog mo ha!" sabi ko sa kanya ng nakita ko itong ngumingiti. Pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha at tila mukhang maganda ang naging tulog nito
"Ahh Oo, maganda tulog ko syiempre. Ikaw ba?
"Maganda din ba tulog mo?" bigla niyang tanong sa akin sabay akbay
Pilit kong iniaalis ang pagkakaakbay niya habang ginagalaw ko ang aking balikat pero hindi parin siya nagpatinag.
Hindi ako makasagot ng maayos sa kanya lalo pa at naiilang ako dahil sobrang lapit niya sa akin. Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero naiilang talaga ako sa kanya.
"Ah-h o-o oo naman. Maganda tulog ko. Lalo na ngayon at wala na akong ibang iniisip pa" nakahinga ako ng maluwag pagkatapos sumagot
"Ganon ba? Ako kasi hindi eh" biglang sabi niya
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sobrang dami ko paring iniisip"
"Katulad ng ano?"
"Katulad ng mga bagay na gusto kong maging akin . . .
"Kung papaano kita makukuha" biglang sabi niya sabay harap sa mukha ko at ngayon ay magkalapit na ang mga mukha namin.
Natigilan ako lalo pa at nandito kami sa kalagitnaan ng Mall at andaming tao, ano nalang kaya ang iisipin ng mga ito.
Kaya bahagya ko siyang tinulak at tsaka tumuloy na derecho ng mapansin ko ang mga tao na pinagtitinginan kami.
Hay naku! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayaw ko siyang sumasama sa akin. Naprapraning ako.
Pero bakit feeling ko gustong gusto ko yung mga ginagawa niya?
Gustong-gusto ko yung feeling na inaangkin ako. Nararamdaman kong may mga tao pa palang ganito sa akin.
"Kain muna tayo" sabi niya at tumango lang ko
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...