Chapter 26: On the Wings of Love

562 26 2
                                    


Kurt's POV:

Hanggang. ngayon ay lutang na lutang parin ako sa mga nangyayari, hindi parin pumapasok sa isipan ko ang katotohanan.

Hindi ko maiwasang umiyak gabi-gabi at alalahanin ang lahat. Simula noong araw na iyon ay katabi ko na matulog si Abby, natatakot kasi akong nawala siya sa akin. Siya na ang naging buhay ko, ang lahat. Hindi ko alam kung papaano pa ako mabubuhay kung wala ang anak ko.


Kumakain kami ng may biglang nagdoor bell.



*Ding Dong



*Ding Dong



"Ako na ang magbubukas ma" sabi ko kay mama na akma na sanang tatayo

Tinungo ko ang labas at kaagad na binuksan ang. Pagkabukas ko ay kaagad ko itong sinara pabalik ng makita ko kung sino ito.


"Kurt, buksan mo naman itong pinto oh. Kurt patuloy parin niyang pinagdadabog ang pinto.



"Kurt, gusto ko lang sanang makipag-usap sayo sa huling pagkakataon. Kahit ngayon lang oh" matinding pakiusap niya hanggang sa napagdesisyunan kong buksan ang pinto at kausapin siya


"Ano pa ba ang gusto mong pag-usapin natin ha? Eh di ba nasabi mo na ang lahat? Makakaalis ka na kundi magtatawag ako ng tanod dito?" sabi ko at akma ko na sanang isasara pabalik ang gate ng bigla niya itong pinigilan sabay sabing



"Hindi Kurt, sandali lang.



"Nandito ako upang pormal sayo na humingi ng tawad. Bago pa man ako babalik ng Amerika eh gusto ko sanang humingi ng kapatawaran sa iyo, sa inyong lahat." pagpapaliwanag niya


Hinayaan ko siyang magpaliwanag. Kahit pa man malaki ang galit na nararamdaman ko sa kanya kahit papaano man lang ay maibsan ito at gumaan gaan ang pakiramdam ko.



"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan sa inyo Kurt, at alam ko ring hindi mo pa ako mapapatawad sa ngayon.



"Kaya, magpapasalamat nalang ako dahil inalagaan mo ng maayos ang anak ko  .   .    ." paliwanag niya at bigla naman akong sumabat



"Anak Ko!" diin kong pagkasabi sa harap niya


"Oo na, sige na  pasigaw niyang sabi sabay kamot sa ulo


"Masaya din ako na ikaw ang naging ama niya dahil napalaki mo siya ng maayos at mabuting bata. Hindi na rin ako magpapakilala sa kanya, baka mas piliin pa niya ako dahil mas gwapo pa ako kaysa sayo"



"Kapal din ng pagmumukha mo noh" hirit ko



"Tsaka wala akong balak na kunin o agawin sayo ang karapatan bilang ama ng bata dahil hindi naman ako kailanman naging ama sa kanya. Pero, kung gusto mo ng tulong. Tutulong ako para sa kanya lalo na kung ito ay para sa kanyang pag-aaral"

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon