"Oh James san ka nanggaling? Nakuha mo na ba kay Kurt yung listahan?" tanong sa akin ni mama"Ah galing po ako ng CR ma, tsaka po hindi ko po nakita si Kurt" pagpapalusot ko
Kailangan kong magsinungaling.
Naiilang ako kay Kurt sa ngayon."Ahh ganun ba?" siya
"James, natext mo na ba si Nicole?" tanong ni Lola
"Opo la kaso di pa po siya nagrereply, tsaka tinatawagan ko po siya pero di po niya sinasagot eh"
"Ganun ba?
"Sige mag-antay lang tayo" ani lola
Patuloy parin kaming nagchichismisan dito sa sala kasama si lola at mama. Napaguusapan namin yung mga bagay na ginagawa namin dati, ngunit, heto wala parin ako sa tamang pag-iisip.
Nakatulala parin at iniisip ang mga nangyari.
Hayst, gumising ka nga James. Tama na ang drama!
Alam kong nagkakasiyahan parin silang dalawa hanggang ngayon.
Hapon na pero hanggang ngayon eh hindi parin nagrereply si Nicole. Kahit man lang tumawag, wala. Gusto ko ng umuwi. Mahirap pa naman ditong sumakay.
"Ano James, nacontact mo na si Nicole?"
"Hindi pa nga eh,
"pano yan la? malayo layo pa yung atin tsaka mahirap nakahanap ng masasakyan dito"
"Ba't ba kayo nag-aalala eh pwede naman kayo magpalipas ng gabi dito" biglang sabi ni mama
"Ah-h ehh . . ."
*Tumawag si Marco
"Excuse po muna
"Hello"
" James? Pasensya na ngayon pa ako nakatawag sa inyo. Tumawag kasi si Nicole, sabi niya ako nalang daw magsusundo sa inyo jan ni Lola kasi di pa daw siya tapos sa mga ginagawa niya"
"Naku naman oh, eh Mar . . . "
"Sandali lang muna, papunta na kami Jan kaya wag ka ng mag-alala okay?"
Nabigla ako sa nasabi niya
"Kami? Bakit, sino ba kasama mo?"
"Ahh eh . . . itong si sammy (Aso niya) isinama ko kasi walang kasama sa bahay. Sige na malapit na kami jan. See you." at tsaka biglang pinatay ang tawag
Naku naman to si Nicole oh, bat di nalang niya ako tinext mismo na hindi niya kami masusundo, Nakakahiya tuloy kay Marco, nakakaabala na naman ako sa kanya ngayong araw.
Hayst
"Ahh la, tumawag po si Marco, siya na raw po mag susundo sa atin. Di raw po kasi makakarating si Nicole kasi sobrang busy sa work ng Dad niya"
"Ganon ba, na kung ganon eh maraming salamat sa alok mo Quel pero siguro uuwi lang kami ngayon"
"Naku, sayang naman oh. Gusto ko pa sana kayong magstay dito at magchikahan tayo. Matagal-tagal din tayong hindi nakasama"
"May next time pa naman po mama, tsaka dadalasan po namin ang pagpunta dito." nakangisi kong sabi tsaka biglang dumating si Kurt
"Oh anak, san ka ba nanggaling?" Tanong ni mama
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...