Chapter 9: There's no turning back

524 25 2
                                    


Kurt' POV:

Hinabol ko si James sa labas para man lang makapagpasalamat sa kanya.

"JAMES!" Lumingon siya at nilapitan ako

"Ah-h eh salamat nga pala dahil inasikaso mo kami ng maayos dito"

"Ano ka ba Kurt, parang pamilya na ang turing ko sa inyo. Basta para sa inyo at para kay Abby, tutulong ako" sabi niya. Natigilan ako sa naging sabi niya, na sa kabila ng mga nagyari ay hindi parin niya kami nakalimutan. Magsasalita na sana ako ng may biglang dumating papalapit sa amin

"James" sabi nito

"Oh king andito ka?" Sabi ni James

"Diba sabi ko sayo susunduin kita"

Natigilan na lang ako at nakinig sa kanila

"Sige Kurt mauna na kami, out ko kasi ngayon, mamaya pang 6pm pa ang balik ko dito." Nakangisi nitong sabi sa kanya at derecho ng umalis.

"Ahh James sandali" hindi na niya narinig pa ang sinabi ko kasi bigla nalang siyang hinablot nung lalaki.

Grabe, siya parin yung James na nakilala ko. Di ko man lang magawang magalit sa kanya, siyang yung unang taong naniwala sa akin eh, kung hindi lang dahil sa nakaraan siguro magkasama pa kami at hindi kami nagkawalay ng ganito.

Bumalik na ako sa room ng bigla akong tinanong ni Ivan

"Si James pala ang Doctor ni Abby, what a coincidence"

"Yun na nga eh, buti na lang talaga" nakangisi kong sabi

"Anong mabuti, Kurt gumising ka nga. Si James yun, siya yung pu--"

"Wag mo ng ituloy kung ano man yang gusto mong sabihin Ivan" sabi ko

"Oo alam ko yun, pero matagal na yun Ivan. Bakit? Kung sasaktan ko ba siya, may maitutulong ba ito sa sitwasyon natin ngayon?" Galit kong sabi

Nadala na lang ako sa emosyon ko. Maayos na ang kalagayan ng mga buhay namin, at tama din yung sinabi ni Nicole na hindi na wala ng magyayari pa kung paiiralin ko ang galit ko.

"I'm sorry Kurt. Di ko lang kasi --"

"No Ivan, I'm sorry. Di ko sinasadyang sigawan ka"

End of Kurt's POV





"Ahh King maraming salamat sa paghatid mo sa 'kin, ang aga-aga pa oh" sabi ko kay Marco na alam kong gumising lang ng maaga dahil sa pagsundo sa akin.

"Alam mo namang gagawin ko talaga to para sayo James eh" nakangisi nitong sabi

"King . . ."

"James, hindi ko kailangan ng sagot mo ngayon. Ang alam ko lang ay mahalin ka sa paraan na alam ko. Hindi mo ko masisisi James" sabi nito

"Ingat ka, aalis na ako at may client pa akong imemeet" nakangisi nitong sabi tsaka umalis na

Hindi ko na naman alam anong sasabihin ko sa kanya. Matururuan ko ba ang puso ko na pumili ng taong mamahalin, kung pwede lang sana matagal na sana kami ngayon ni Marco na mag jowa.

Lalo pa ngayon na nagkita na uli kami ni Kurt, di mo naman ako masisi eh first love ko yun eh. Kahit pa man ilang beses akong saktan nun eh nagagawa ko paring mahalin yung taong yun. Tanga na ba ako sa part na to?

Tama nga yung sinasabi nila, nakakatanga ang pagmamahal.







Kurt's POV:

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon