Melvin's POV:Nagising nalang ako ng makita ko ang sarili kong hubo't hubad. Pilit kong inalala ang mga nangyari ng biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyari kagabi.
"Argh! Sh*t anong ginawa ko?"
*Napakamot sa ulo
Fuck!
"Hindi, hindi ito maaari. Nananaginip lang ako, shit" sabi ko sa sarili ko
Di ko parin maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Kaya di na ako nakapagpigil pa at kaagad akong naligo, nagbihis at pinuntahan si Marco.
"Humanda ka sa akin Marco, humanda ka"
Panggigigil kong sabi tsaka bumaba na ng maabutan ko sa baba si Jack.
"San ka ba kasi galing?" Tanong ko habang hinahanap ang relo ko sa paligid
"May pinuntahan lang akong kaibigan, bihis na bihis ka yata. San lakad natin bro?" Pagtataka niyang tanong
"May pupuntahan lang ako saglit, wag kang mag-alala. Alam na namin kung nasaan si James.
"Babalik ako " sabi ko at agad agad ng umalis
Nagmamadali kasi ako at nanggigigil ako dun sa Marco na yun. Gusto kong malaman kung bakit niya yun nagawa sa akin.
Pinagsamantalahan niya ako kahit alam niyang wala ako sa sarili kong pag-iisip dala ng sobrang kalasingan.
Tinatawagan ko siya pero hindi niya ako sinasagot.
At ng makaabot ako sa tinitirhan niya.
*Ding Dong
*Ding Dong
*bumukas ang pinto
"Magandang umaga po ate, nanjan ba si Marco?"
"Ah opo, kumakain po siya ngayon ser"
"Pwede ko ba siyang makausap? Ahh Sabihin mo tungkol lang sa business"
"Ah pasok nalang po kayo sir, nandito naman po siya"
"Oh sige"
Pumasok ako sa bahay nila, pagkadating ko sa loob ay nadatnan ko siyang umiinom ng tubig sa may kusina nila na tila hindi mapakali
Nabigla siya at muntik ng mabulunan sa iniinom niyang tubig.
Lumapit ako sa kanya,
"Ate ako na bahala sa kanya, dun ka nalang muna sa nilalabhan mo" sabi ni Marco at tsaka umalis naman si ate
Bigla ko siyang sinumbatan
"Anong ginawa mo sa akin kaga . . "
Nanggigigil kong sabi"H'wag dito ano ka ba. Gago ka ba?" Bigla niyang sabi at kinuyog ako bigla papuntang guest room nila.
Sinara niya ang pintuan
"Bat mo ko dinala dito? Gagawin mo naman ba ang ginawa mo sakin kagabi?"
"Eh malamang mag-uusap tayo. Dammit pare, ano bang nasa isip mo?"
Hindi ko na nga napigilan pa ang sarili ko kaya sinuntok ko siya bigla.
*Boghs
"Ginawa mo akong bakla, hayup ka
"Maayos kitang tinanggap bilang kaibigan tapos isa ka palang bakla hayup ka. Binaboy mo ako sa mismong pamamahay ko" galit na galit kong sabi sa kanya
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...