|| 6 years later*Alarm rings
"James, andito na si Nicole. Bilisan mo na jan at baka malate kayo naku" Maagang sambit ni Lola sa akin
"Oo na, heto na po inaayos ko lang po mga gamit ko" Tugon ko habang inaayos itong mga gamit ko na hindi ko naayos kagabi
Hayst di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko naman masabing masama yung naging panaginip ko pero parang ganon na nga
:-
"Lola alis na po kami" Sabay mano at halik sa pisngi kay lola
"Ang bilis mo ha, usapan natin alas siyete nandun na tayo pero anong oras na ghorl?" maingay na pagbuntong ni Nicole sa akin habang tinutungo namin ang unibersidad na papasukan namin.
YES, YOU'RE RIGHT!!
Actually, graduating students na kami ngayon kaya grabe ang aming paghahanda. Maraming pagbabago ang nangyari sa bawat buhay namin at heto bumabalik parin yung sakit na sinapit ko apat na taon na ang nakalipas. Hindi ko man alam kung ano na ang naging buhay ng mga taong naging parte ng nakaraan ko pero isa lang ang masisiguro ko. Masaya sila sa kung ano ang naging buhay nila ngayon.
"Eh di ako nakatulog ng maayos kagabi eh. Para akong binabangungot na hindi alam mo yun yung bumalik na naman yung dati. Di ko talaga namalayan ang oras" pagpapaliwanag ko sa kanya ng marating na namin unibersidad.
Bell Ringing 🔔
"Hay nako James. Dun tayo kakain sa Mini Forest ha! Hintayin kita dun. " At dali daling tinungo ang kanyang silid
"Sige" Tanging nasambit ko lamang at tinungo narin ang silid.
Wala parin akong kabuhay buhay ngayong araw. Dapat masaya ako ngayon kasi graduating na ako tsaka sched nalang for internship ang hinihintay ko. Cheer up James, CHEER UP!
[DEEP SWALLOW]
Kurt's POV:
"Kurt, bilisan mo na jan. Kanina pa dito si Ivan naghihintay ano ka ba" Sambit ni mama habang inaayos ko pa itong mga gamit kong hindi ko naayos kagabi
"Andiyan na" Tugon ko at bumaba na
"Di na kayo kakain" Mama
"Hindi na ma, dun nalang kami at baka malate pa ho kami, andaming naghihintay na work eh. Sige ma alis na kami" paliwanag ko
"Asan si Abby pakiss ako... (tsup) school muna si papa ahhh pramis babalik ako. Ikaw muna bahala sa kanya ma ha." at tuluyan na kaming umalis
"magpapakabait ka dito Abby ha!"
"Opo papa. Ingat po kayo ni Tito Ivan" At malambing niya akong niyakap
"Siya sige anak, ingat kayo" Paalam ni mama
"Bye tita, bye Abby muah" paalam ni Ivan at tumango lang ito.
"Ba't antagal mo Kurt? Usapan natin dapat 7am nasa school na tayo eh anong oras na oh" Banat ni Ivan sa akin habang tinutungo namin ang paaralan.
"Actually di ako nakatulog ng maayos kagabi eh, binangungot ako." pagpapaliwanag ko sa kanya
"Bangungot? Ano?" pagtataka niya
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...