Chapter 6: All for you

519 35 0
                                    

* 6 months later

DANIEL JAMES SARMIENTO
Doctor of Medicine
Class of 2018

Mangiyak-iyak ako habang tinutungo ang stage. I can't really imagine this is all happening to me. I was just dreaming about being a doctor, but today, I'm living on it.

Eksaktong pagbaba ko sa stage ay sinalubong ako ni lola ng isang mahigpit na yakap at halik.

"Apo, akalain mo nakapagtapos ka sa kabila ng hirap na dinanas natin. Sa wakas, doktor na apo ko" maiyak-iyak na pagkasabi ni Lola sa akin habang hawak hawak ang aking mukha.

"Sobra po akong nagpapasalamat sa inyo lola kasi hindi niyo po ako pinabayan, tinulungan niyo po ako na makamit tong pangarap kong maging doktor" at niyakap ko ng mahigpit si Lola

Sobra akong nagpapasalamat sa lahat ng suporta na natanggap ko. Hindi ko aakalain na magiging doktor ako sa kabila ng lahat. (Basta madaming sponsors, its not a problem hehe) Thank you talaga ng marami : )

"James, selfie tayo ano ka ba this is not the time para mag emote emote jan" natawa nalang ako sa sinabi ni Nicole at nagselfie nga kami ng biglang dumating si Marco

"Naks, congrats naman James. Proud na proud kami sayo" sabi nito sabay ngisi habang hawak hawak ang kamay ko.

Bigla naman akong kumawala.

Pero kinuha niyang muli ang kamay ko sabay sabing

"James, hinding hindi na kita . . ."

"Marco lapit ka pa kay James picturan ko kayo" biglang sambit ni Nicole. Lumapit si Marco sa akin at inakbayan ako

"1 2 3 smile" Ani Nicole

"Tayong tatlo naman, ah ate pakipicturan nga po kami hehe" Sabi ni Nicole na ngayon ay grumaduate din at isa ng ganap na Doktor.

Masaya ang buong araw ko. The best day of my life eveer!!!!

"So anong plano?" Tanong ni Marco

"Sasabay na ako kina mommy ko eh, ikaw ba James?" Tanong ni Nicole

"Ahh kakain kami sa labas ni Lola" ani ko ng papunta sa amin si lola Gloria

"Oh ayan na pala si Lola mo oh" ani Nicole

"Mano po Lola" - Marco

"Di ka na sasabay sa amin Nicole?" Tanong ni Lola

"Hindi na la, sasabay na ako kina mommy ngayon" sabi niya

"Ahh si Marco po lola wala po siyang kasama, andito lang po siya para kay James" dagdag nito tsaka umalis na lang

Ano na naman ba nakain nitong babaeng to jusko, alam naman niyang iniiwasan ko tong taong to. Hayst!

"Ahh okay lang po ako, uuwi na din po ako ngayon" sabi niya

"Oo nga lola, eh hatid ko na po muna" akma ko na sanang ihahatid si Marco palabas ng

"Ano ka ba James, iho sumabay ka na sa amin. Kakain kami sa labas" pag-anyaya ni lola.

Ayan na nga ba sinasabi ko. Kaya pasimple lang akong ngumiti pero ang totoo, iniiwasan ko talaga siya. Hindi sa iniiwasan ko yung pagkatao niya sadyang

Iniiwasan ko lang po yung nararamdam ko para sa kanya.

Tumingin siya sa akin at pasimple akong senenyasan kung okay lang ba. Eh wala naman akong magagawa kaya't tumango lang ako at ningitian siya.

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon