Chapter 13: Is it a perfect timing?

477 32 0
                                    


Kurt's POV:

"Di ka pa ba babalik sa trabaho mo Kurt?" Tanong ni Ivan

"Bukas babalik na ako Ivan tsaka naghihintay na siguro yung bagong contractor namin"

"So anong plano mo sa Birthday Party ni Abby Kurt?" Biglang tanong ni Ivan

"Kaya nga hindi muna ako pumasok ngayon para mapaghanda ko na naman birthday ni Abby"

"Kurt wag ka ng mag-alala jan ano ka ba. Andito ako diba? Tulungan nga tayo every birthday ni Abby naalala mo noong muntikan ng hindi umabot ang Cake dahil sa maling address na ibinigay mo"

"Ahh oo hahahahahaha kasi nga nalasing ako" tawang tawa kong sabi

"Hahahahahaha oo tapos sa bahay namin naiaddress mo grabe"

"Tapos naalala mo yung galit na galit na galit ako kasi hindi ko mahanap yung susi ng sasakyan" tawang-tawa kong sabi

"Oo tapos naalala mo na ipinahiram mo pala ito kay Stephen, as in sa sobrang galit mo nun muntik ng hindi makuha yung lechon hahahahahaha" tawang tawa naming sa pagbabalik namin sa mga magagandang alaala noong mga nakaraang birthday ni Abby.

"Hay, ang saya lang noh. Sana ganito nalang tayo parati Kurt" bigla niyang sabi

"H a?" kaagad kong natanong

"Hindi Kurt, ang ibig kong sabihin na sana masayang-masaya din ang magiging birthday party ni Abby kagaya nitong mga napag-usapan natin" kaagad naman nitong tugon

"Kaya wag ka nang mag-alala at tatrabahuin ko na ang naging plano natin. Okaay?" Dagdag nito

"Tsaka inimbita ko nga din pala sina James at Lola sa birthday party ni Abby."

"H'wag mo sabihing . . . "

"Ivan, alam mo naman sigurong ayaw na ko na ng gulo at tsaka ayos na ang lahat." Sabi ko

Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya

"Huwag ka ng mangamba pa Ivan ha, tapos na ang lahat okay" nakangisi kong sabi sa kanya at tumango lang ito.

End of Kurt's POV













Marco's POV:

Masaya ako na makilala ko si Melvin. Ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Yung vibes niya na nagdadala ng kasiyahan sa akin. Mabuti nalang talaga at ako ang nakipag meet uo sa kanya kahapon.

Ang saya lang kasi may mga taong paring nakikinig sa akin, lalo na kahapon na talagang kailangan na kailangan ko ng makakausap.

Habang nasa bahay ako at nagpapahinga ay biglang may natanggap akong text

"Pare si Melvin to, punta ka dito mamaya sa bahay. Konting inuman lang kasama ang tropa, tsaka isama mo nadin yung sinasabi mong ka-ibigan mo hehe para naman matulungan ka namin. See you"

Tanging sabi nito, hindi naman ako makatanggi kasi sayang naman tapos magkakaroon pa ako ng opportunity na makilala pa yung ibang tropa niya. Mas mabuti yung nagkakaintindihan kayo ng tropa mo, tiyak magkakasundo kayo sa lahat ng bagay.

"Tatanggi pa ba ako sa inuman pare? Hahaha asahan mo, tsaka di ako sure kung makakasama yun pero try ko lang pare. Salamat."

Tamang-tama at Sabado ngayon, morning ata duty ni James so baka makumbinsi ko yung sumama. Kaya dali-dali akong nagbihis at tinungo kaagad ang Ospital na pinagtatrabahoan ni James.

Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon