Thank you so much po sa patuloy ninyong pagsuporta sa kwentong ito. God bless po and Keep Safe 😘❤
|| JustasMark
*Hospital Cafeteria
"Nagkita na ba kayo ni Kurt, James?" Biglang tanong ni Nicole habang kumakain kami sa Cafeteria
"Ah oo, pasyente ko yung anak niya. " sabi ko
"So kumusta? Hindi ba siya nagalit sayo? Inaway ka ba niya?"
"Ano ka ba, wala noh. Nagulat nga din ako kasi ang ganda ng pakikitungo niya sa akin. Hindi naman ako nag-eexpect pero iba talaga eh"
"Siguro, its about time to forget everything James. I mean yung lahat lahat talaga, ibaon na. Kasi antagal na non eh at tsaka ang ganda na ng mga buhay ninyo."
"Kaya nga eh"
"Eh si Marco ba?" Bigla niyang natanong
"Huh, bat naman nasali si Marco sa usapan natin?"
"Ano ka ba James, kahit kailan talaga. Hindi mo pa rin ba nahahalata?"
"Ano ka ba, alam ko yun. Pero alam kong panandalian lang ang lahat ng ito Nic." Pagpapaliwanag ko
"Paano mo nasabing panandaliang lang eh antagal na niyang nagparamdam besh. Ano tanga tangahan lang?"
"Hindi naman sa ganon, alam mo naman si King na tagapagmana yan ng R&K Company, masasaktan lang ako at the end"
"Kasi alam kong ipapakasal yan si Marco sa anak ng isang major shareholder ng company nila para maging malakas yung pwersa ng company nila. Fixed Marriage ika nga nila. Advanced akong mag-isip" sabi ko
"Yan kaka wattpad mo na yan. Nahihibang ka na, eh magkaiba naman yung mga nababasa mo sa kung anong buhay meron tayo ngayon. Naku, tigil tigilan mo na yan James."
"Eh yun naman talaga eh. Bakit masasabi mo bang ako ang para sa kanya? Kasi ako gusto ko yung pangmatagalan Nic alam mo yun?"
"Bakit?"
"Andaming na kasing nangyari sa buhay natin and we are all settled for less and instants of life. Meron naman pangmatagalan pero mas pinipili natin ang kung ano yung available sa ngayon"
"Ako kasi yung taong mas pinipiling maghintay para sa pangmatagalan kesa sa pangmadalian" Dagdag ko
"James naman, wag mo naman akong seryosohin. Eto naman" wari nito tsaka bumalik na kami sa office namin.
Ivan's POV:
"Kurt, pupunta muna ako ng mall may bibilhin lang akong ibang gamit baka may gusto kang ipabili?" Sabi ko sa kanya. Wala na kasi akong mga gamit dahil sa katangahan ko pati sarili kong mga gamit eh nakalimutan ko.
"Toothpaste lang sa akin Ivan tsaka wait .. ... Bumili ka nalang din ng underwear ko nakalimutan mo ata kasi eh" tugon niya tsaka iniabot ang pambayad
"Salamat ah" dagdag niya
"Ahh oo, sige walang problema. Aalis na ako, babalik din ako kaagad" pagpapaalam ko sa kanya tsaka derechong umalis na.
Hindi ko alam pero wala ako sa mood ngayon. Bakit pa kasi si James yung naging doktor ni Abby eh andami dami namang pwede. Hayst, nakakairita lang talaga. Kaninang may pa "thank you, thank you" pa siya, juskoo baka nakalimutan niya yung ginawa ni James sa kanya dati.
20 minutes bago ako makarating sa mall ay dumerecho ako kaagad sa grocery store upang bumili ng mga gamit at foods for Abby. Then, nag shopping ako ng konti lang naman, at bago ko paman makalimutan eh pumunta muna ako sa Bench upang bumili ng underwear ni Kurt.
Siguro dapat pag-isipan ko tong mabuti kasi isusuot niya to at soon makikita ko din itong sinusuot niya.
Matagal bago ako nakapili, pagkatapos ay dumerecho na ako sa cashier. Konti lang ang tao na nandito ngayon kaya naging kampante ako sa pagpili.
Papunta ako sa cashier, ng makasalubong ko ang isa sa mga taong pinakaayaw ko ng makita sa buong buhay ko. Nagkasalubong ang aming mga mata at nagkatitigan.
"JACK?" Gulat na gulat kong sabi.
"Long time no see, Ivan" nakangisi niyang sabi. Akma na sana akong aalis kasi ayaw ko na siyang makita at makausap pa, ngunit pinigilan niya ako at hinarap
"Di mo ba ako namiss Ivan?" Nakangisi niyang tanong na may halong gigil sa mukha.
Inaasar talaga ako nitong mokong na ito. Pero totoo, naaasar talaga ako. Hindi ako makapaniwalang nandito siya na akala ko sa buong buhay ko ay sa America na siya maninirahan habang buhay.
"Ka-kailan ka-kapa bumalik di-dito?" Nauutal kong tanong
"Noong isang araw lang, bakit? Di ka ba masaya na makita ako ulet?" Pang-aasar niyang tanong
"Ba't ka pa bumalik? Ang sabi mo di ka na babalik pa dito sa Pinas, ang ganda na ng buhay mo sa America diba?" Nanggigigil kong tanong.
"Oo, maganda nga buhay ko dun sa America, pero anong magagawa ng isang magandang buhay kung patuloy kang guguluhin ng nakaraan?" Mahinahon niyang sagot. Hindi na ako umimik pa at nakinig lang ako sa kanya.
"Hindi ako pinapatulog ng konsenya ko eh, ikaw ba Ivan pinapatulog ka ba nito?" Sabi niya at sinasadya niya talaga akong takutin .
"Kahit ano pang gawin mo Jack, hinding hindi na magbabago pa ang nakaraan. At mas lalong hinding hindi mo na maibabalik pa ang dati." Panggigigil kong sabi
"Alam mo, okay na ang mga buhay naming lahat. Ayos na ang lahat Jack, may trabaho na, professional na din yung iba. Ngayon, kung ilalantad mo ang kung man yang gusto mong ilantad, sisirain mo lang ang kanilang buhay. Sisirain mo lang ang buhay na pinagpaguran nila." Harap harapan kong sinabi sa kanya tsaka akmang aalis ng ...
"Sirain?" Sabi niya at bigla akong natigilan
"Matagal ng sira ang mga buhay nila Ivan, at yun ay dahil lahat sa kalandian mo kay Kurt. At kung ilalantad ko man ang buong katotohanan, alam kong may masisirang buhay Ivan, at alam mo ba kung kaninong buhay ang mas apektado?" Sabi niya at agad ko siyang nilingon
"Buhay mo Ivan, buhay mo" sabi niya
Nanggigigil na talaga ako, natatakot tsaka naaasar. Grrrrrrr
Ngayon pa talaga to nangyaring nagkita na ulit si Kurt at James. Jusko naman ito oh. Hayst, problema na naman. Pero hindi ko na lang siya basta basta hahayaan sa mga binabalak niya
"Subukan mo lang talaga Jack, magkakamatayan muna tayo bago mo masira ng tuluyan ang buhay ko." Gigil na gigil kong sagot tsaka tuluyan ng umalis at wala akong pakialam sa kung ano man ang magiging sagot niya.
Hinding-hindi talaga pupwedeng mangyari ang kung ano man ang binabalak niya. Sisiguraduhin ko yan, magkakamatayan muna kami bago niya mailantad sa lahat lalo na ang katotohanang hindi tunay na anak ni Kurt si Abby.
End of Ivan's POV
End of Chapter 10
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...