This chapter is rated SPG!!! so kung hindi niyo po gusto ang mga sexual na eksena, it is better to not read po. Tsaka hindi po ako magaling sa pagsusulat ng ganitong eksena kaya intindihin niyo po ako hihi. Lovelots.
Linggo ngayon at magsisimba kami ni lola ng bigla akong sinugod ni Nicole dito sa bahay.
"Lola asan po si James?" Tanong nito ng si lola ang maabutan sa sala na naglilinis.
"Kay aga-aga naman nitong nag-iingay oh"
"Ano ka ba alalang-alala ako sayo kagabi pa. San ka ba nanggaling ha? Bat di mo sinasagot mga tawag ko?"
0__0!?
Sana all may ganitong friend.
"Pasensya ka na nic, hindi na ako nakapagpaalam sa iyo kagabi. Dumerecho na kasi ako dito sa bahay. Sumama pakiramdam ko"
"Naku, alam kon dala lang yan ng sobrang pagod mo James. Nadagdagan pa nang makita natin yung mga mokong na yun"
"Wag mo na akong intindihin Nic, talagan okay na ako. At tsaka wag nalang natin silang pansinin. Pagod na pagod na ako, okay?"
"Gusto ko ng magpahinga" At tinungo ko kaagad ang kwarto ko upang bumalik sa pagkakatulog
Pero honestly, kagabi pa ako nag-iisip. Sa dinami-dami ng pwedeng maging tropa ni King, bakit sila pa talaga?
At tsaka, di ko na sila gustong makita pa. Kasi sa tuwing makikita ko ang pagmumukha nila ay bumabalik ang nakaraang ayaw na ayaw ko ng balikan. Arrgghhh!!!!
Seriously, pagod na pagod na ako lalo pa sa mga panahong ito ba nagsisipagbalikan ulit ang lahat. Lumayo na nga ako, tapos ngayon lumalapit naman.
Hayst!
___________________
"Dito kana mag-agahan hija"
"Okay lang po la, babalik nalang po ako kapag ayos na si James"
"Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?"
"Tsaka, bat umiiyak yun kagabi pag-uwi niya dito?" Dagdag nito
"Ganon po ba Lola, eh pagod lang po yun la. Tsaka, andami naming trabaho sa hospital lately. Kailangan lang po naming bumawi ng lakas" nakangisi pagpapalusot ni Nicole
"Alis na po ako la"
"O siya, mag-iingat ka"
Melvin's POV:
Makalipas ang ilang oras ay di ko namalayang lasing na lasing na 'tong mga tropa ko. Kahit na madami na akong nainom ay pinipilit ko parin na buhayin ang sarili ko. Si Nicole naman ay nakayanan pang umuwi at magmaneho dahil siguro nawalan ng ganang uminom.
Si Bryan naman ay di namin namalayang nakatulog na pala ng mahimbing sa sofa habang si Marco ay lasing na lasing na at tila nagsasalita na ng kung ano-ano.
Pilit ko siyang pinatayo at dinala sa kwarto ko upang makatulog ng maayos.
Nahirapan ako sa pagdala sa kanya hanggang sa naabot na namin ang kama ko tsaka ko siya pinahiga.
Inayos ko ang kanyang kalagayan, natigilan ako at saka natatawa dahil hindi ko inexpect na ganito pala tong taong ito kung malasing - kung ano ano nalang ang sinasabi.
Akma na sana akong aalis upang asikasuhin si Bryan ng bigla niya akong tinawag.
"Wag mo kong iwan pare, dito ka lang" mahinahon nitong sabi
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...