Chapter 25: The Whisper of Reconciliation

518 29 4
                                    


Kurt's POV:

"Totoo ba ang mga pinagsasasabi nitong lalaking ito Ivan? mahinahong kong pagkasabi habang natigilan lang si Ivan at nanginginig sa takot.

"Totoo ba? Sumagot ka! sigaw kong pagkasabi dala ng labis na galit na nararamdaman ko

"OO! kaagad niyang tugon

"Patawarin mo ako Kurt, patawarin mo ako hinahawakan ako

"Hindi ko ginusto ang lahat, hindi . . hindi ko ginusto ang lahat maniwala ka sa akin Kurt. Mahal na mahal kita." umiiyak na pagkasabi ni Ivan at lumuhod siya sa harapan ko at umiiyak.

Hindi ko naman mapigilang maiyak sa matinding katotohanang ito nalaman ko ngayon lang. Nabigla ako ng husto. Nanggigigil ako, at gusto kong pumatay ng tao.

"Bakit? Bakit niyo to ginawa sa akin?


"BAKIT!!??" sigaw kong pagkasabi tsaka napaupo nalang ako habang humagulgol ng iyak.

At kaagad na lumapit si Ivan sa akin sabay sabing


"Patawarin mo ako Kurt, patawarin mo ako" umiiyak niyang sabi


"Bakit?


"Pinagkatiwalaan kita Ivan, tinuring ka naming pamilya.

"Ngayon sabihin mo sa akin, pano mo nagawa sa akin ang lahat ng ito? mahinahon kong pagkasabi


"Sagutin mo ko? sigaw ko sa harap niya


"Nagsimula ito noong nagpunta kayo ni Jenefer sa Bar, hindi sana matutuloy ang plano namin ng isinama mo si James, mabuti nalang at mas pinili mo si Jenefer kaysa sa kanya. Noong mga panahong iyon, masaya kayong nag-iinuman, hindi mo namalayang nasa kabilang mesa lang ako at hinihintay kang malasing at bumagsak. Pagkatapos, ng tuluyan ka ng malasing ay dinala ka namin sa kwarto na nirentahan namin, doon ay sinigurado naming pagkagising mo ay mapapaisip kang may nangyari sa inyong dalawa.



"Bago pa man mangyari ang lahat, may nangyari na kay Jack at Jenefer. Nabuntis si Jenefer, ngunit, hindi pa handang maging ama si Jack dahil siguradong ipapapatay siya ng kanyang ama pag nagkataon. Kaya sa halagang isang daang libong piso, nabili ni Jack ang kalayaang maging ama sa kanilang magiging anak.



"Sinubukang ilaglag ni Jenefer ang bata, ngunit nakokonsensya ito. Kaya dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, pinalabas naming ikaw ang ama ng dinadala ni Jenefer, dahil alam naming hinding hindi mo ito tatanggihan"



tahimik ang lahat habang kinukwento ni Ivan ang mga nangyari noon. Nakakagulat ang mga naging salaysay nito at hindi ko inaasahang ganito kasama ang taong pinagkatiwalaan ko ng sobra sobra. Tinitiis ko ang galit na nararamdaman ko habang nakikinig sa kanyang salaysay.


Sa pagpapatuloy . . .





"Pagkatapos ng mga nangyari, hindi namin magagawa ang mga pinaplano namin kung hindi namin kayo mapaghihiwalay ni James. Kaya yung tungkol sa panghihiram ng cellphone ni James sa akin (umiiyak) hindi yun totoo nabigla ako


"Wala talagang nangyaring hiraman noong panahon iyon, at hindi totoong isinumbong ni James si Jenefer sa mga magulang niya na buntis ito dahil ang totoo, iniwan na siya ng mga magulang nito at nakikitira na lamang siya sa tiyahin niya."


"Napakahayop mo Ivan, Pinagkatiwalaan kita. Minahal kita at tinuring kitang isang tunay na kaibigan tapos ginaganito mo ko" maiyak iyak kong sabi


Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon