Magandang araw po sa inyong lahat, maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta at pagtangkilik sa kwentong ito. At ito pong chapter na ito ay magkantahan po muna tayo bago haharapin ng ating mga bida ang totoong laban sa kwento ng mga buhay nila.
Mahal ko po kayong lahat ❤
Ivan's POV:
Masaya ako ngayong araw dahil aside sa nagcecelebrate kami ng birthday ni Abby, ay alam kong mamahalin din ako ni Kurt at baka ito na yung tamang oras.
"Thank you po dito sa lahat Tito Ivan" pasasalamat ni Abby dahil sa bongga nitong birthday.
aba! dapat lang na magpasalamat siya sa akin. Ako ang naghanda ng lahat ng ito. At dapat din niya akong tulungan na makuha ko ng tuluyan si Kurt.
"Hindi pa dito nagtatapos ang gift ko sayo Abby." nakangiti kong sabi sabay alis
"Ah Kurt aalis lang muna ako, may bibilhin lang ako"
"Di ka na magpapasama?"
"Okay lang, kaya ko na to" sabi ko at kaagad ng umalis
Palabas ako ng bahay ng makasalubong ko ang pinakahihintay kong mga bisita ngayong araw
nakangiti akong sumalubong sa kanila.
"Uy andito na pala kayo" nakangiti kong sabi
dapat naka smile tayo parati lalo na pag haharap tayo sa mga taong hindi natin gustong makausap o makita.
"Hindi ba obvious?" biglang sagot ni Nicole
"Ahhmn pasok na kayo. Hinihintay na kayo ni Kurt sa loob." sabi ko na chill lang
"ahh sige, tutuloy na kami" sabi ni James. Tutuloy na sana sila ng may pinapaalala lang akong isang bagay
"Ahh James, alam kong hanggang ngayon eh may gusto ka pa rin kay Kurt. Paalala ko lang sayo na nandito ka sa teritoryo ko,
". . marunong ka sanang lumugar, Doc" diin kong pagkasabi ng nakangiti parin at agad ng umalis.
Huwag na huwag niya talaga akong susubukan. Matagal ko na itong hinihintay na pagkakataong maging akin ang taong pinakamamahal ko, at sisiguraduhin kong magsisisi siyang pumunta pa siya rito.
Alam ko kasing may gusto pa rin siya kay Kurt hanggang ngayon, yang mga galawan ni James jusko ang luma.
At kung siguro hindi ako gumawa ng paraan noon, siguro masayang-masaya na ang buhay nilang magkasama ngayon
Pero, Sorry not sorry dahil kakampi ko ang tadhana ngayon.
Ako ang naging sandalan, kaibigan, kapatid, karamay ni Kurt sa loob ng mahigit Anim na taon.
At kahit anong gawin niya, he can't take him away from me. CHAR!
Makalipas ang Ilang oras ay nakarating na ako sa bahay ng madatnan kong masayang masaya sina Tita at Kurt na kumakain kasama si James at ang lola nito.
Hindi muna ako pumasok dahil nakikinig muna ako sa kwentuhan ni James at Kurt na akala mo naman kung anong ikinaganda.
Heto na nga ba ang sinasabi ko,
Hindi naman ako natatakot, pero itong James talaga ang epal sa buhay ko kahit kailan.
Kahit noon pa man ay naiirita na ako sa budhi, akala mo kung sinong mabait. Nagpapakitang tao lang pala.
BINABASA MO ANG
Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]
RomanceSa ikalawang yugto, iikot ang kwento sa mga karakter na patuloy paring ginugulo ng kanilang nakaraan mahigit anim na taon na ang makalipas. At ang pagmamahalan ni James Samiento at Kurt Santillan na haharangan ng isang malaking kasinungalingan, dala...