Chapter 24: Deafening the Silence

486 28 4
                                    

Magandang Araw! Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa patuloy po ninyong pagbabasa sa kwentong ito. Masaya po ako lalo pa at malapit na pong magtapos itong kwento at makakapagsimula na naman po ako ng panibago. Sinisikap ko po na makapag update sa inyo kada-araw kaya pagpasensyahan niyo na po kung may hindi kayo masyadong naiintindihan. Sana po maunawaan niyo po ako. Patuloy niyo po akong suportahan at sisikapin ko pong maging magaling para sa inyong lahat. Maraming maraming salamat po at mahal ko po kayo.























Nabasag ang katahimikan naming dalawa ng may narinig kaming ingay sa labas ng bahay. Kaya naman, lumabas kami upang malaman namin ito.

Pagkadating namin sa labas ay nadatnan namin ang mga taong hindi namin inaasahang makita.



"James" mahinahon na pagkasabi ni Jack


"Anong ginagawa niyo dito?" tangi kong tanong





hindi siya kaagad nakasagot

"aahh-ahh eh inimbita ko kasi sila sa birthday ni Abby, James." nakangising tugon ni Ivan na nahahalata ang pangangamba


"James, patawarin mo na sana ako sa lahat ng nagawa kong kasalanan" bigla niyang sabi


"Patawarin? Nakalimutan ko na ang lahat ng nangyari Jack, pero ng makita ngayon, bumalik na naman ang lahat. Hindi parin nawawala ang sakit eh, ang lahat ng panlolokong ginawa mo sa akin nandito parin oh (Tinuturo ang puso) nakadikit parin." diin kong pagkasabi sa kanya.


"Kaya nga ako nandito James, gusto kong humingi ng tawad. Alam kung hindi sapat ang kapatawaran ko sa lahat, pero, may dahilan ang lahat kung bakit ako nandito" sabi ni Jack ng biglang lumapit si Ivan sa Kanya sabay sabing


"Please lang, huwag mo nang ituloy kung ano man yang binabalak mo. Please, Huwag Jack." sabi nito








"WALANG KASALANAN SI JAMES SA LAHAT" bigla niyang sabi sa lahat,




"Anong ibig mong sabihin na wala g kasalanan si James?" kaagad na tanong ni Kurt



"Wala kang kasalanan sa lahat ng nangyari James, wala kang kasalanan." Sabi ni Jack sa akin at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko


Dapat ba ako maging masaya dahil sa wakas ay magkakaroon narin ng hustisya ang pagbibintang nila sa akin?


"Ahh Kurt nagugutom lang to sila, tara sa loob, kain muna tayo." pilit na pag-anyaya ni Ivan sa lahat lalo na kay Jack, pero walang pumansin sa kanya sa sobrang pagkabigla ng lahat.


Bigla namang dumating si Abby at kaagad na lumapit sa daddy niya. Nagising siguro ito dahil sa ingay naming lahat dito sa labas.


"Daddy, ano po ginagawa niyo dito sa labas?"



"Ahh nag-uusap lang kami dito anak"


Natigilan naman si Jack sa kanyang nakita, at unti-unting nilapitan si Abby. Hinawakan niya ito sa mukha at dahan dahang kinuha ang kamay sabay sabing




"ANAK!" Tsaka ito niyakap ng mahigpit.




"Anak, miss na miss kita ng sobra" sabi ni Jack habang pilit na kumakawala si Abby sa pagkakayakap nito sa kanya at tinulak naman siya ni Kurt ng malakas



"Nababaliw ka na ba ha? Anak ko ang sinasabi mong anak mo." diin na pagkasabi ni Kurt habang niyayakap ng mahigpit si Abby.


"Ako ang tunay na ama ng batang yan, ako ang kanyang tunay na ama" diin niyang paliwanag na siyang ikinagulat naming lahat.


Sana'y Ako Nalang || BL Book 2 [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon