Chapter 4

78 7 0
                                    

Ilang araw ko nang iniisip ang tungkol sa bagong series. Isa 'yong political-romance na hindi ko pa nasusubukan. Pero hindi naman pwedeng basta-basta lang akong susulat na walang backgroud information sa politika.

Bagot akong nag-browse sa net. Naghahanap ako ng libro sa Amazon na magandang maging reference sa series kaso wala talaga akong mahanap. Nagtipa na lang ako sa keyboard hanggang sa bigla na lang pumasok sa isip ko ang tungkol sa New Normal Society. Bakit hindi ko naisip 'yon?

"Rey?" tawag ko. Nilingon ko siya. Nakahiga siya sa kama at panay ang tipa sa keypad ng nokia phone niya. "Cashless na ba sa Mall?"

"Hmm... siguro."

"Siguro?"

Huminto siya sa pagtipa at tumingin sa akin. "May ilang gumagamit na ng E-Wallet pero may ibang nagbabayad pa rin ng cash. Bakit?"

"Pinu-push ng gobyerno ang cashless society."

Tuluyan nang huminto sa pagtipa si Rey. Umayos siya nang upo at tumitig nang mariin sa akin. "Narinig ko minsan si Sir Walrus, aniya baka sa susunod na buwan ay hindi na tatanggap ang Mall ng cash."

Sinara ko ang laptop at tinukod ang siko sa mesa. Humalumbaba ako. "Thru online transaction na 'yong akin mula pa last year. Hindi ako mamomoblema. Pero 'yong network ang magkakaproblema sa rami ng gagamit ng data."

"Wag mo nang problemahin ang tungkol diyan." Humiga siya ulit at muling nagtipa. "Mabuti nga 'yon para hindi na magbi-break out ang susunod na virus. Mas mataas ang risk kapag gumagamit ng cash sa Mall. Alam mo, Vivid, sa tuwing tumatanggap ako ng cash, pinagdadasal ko na sana walang virus sa perang barya at papel. Mahirap nang mahawa."

Napatango ako. "Balita ko nga na maraming nahahawa sa palengke dahil sa pera na pinagpasa-pasahan. Mataas ang contact risk at sobrang delikado nga. Maganda nga siguro ang cashless society."

Bumuntong-hinga ako. "Labas tayo minsan? Nabakunahan naman tayo."

"Labas? Saan?" Ngumiti siya at panaka-nakang sumulyap sa gawi ko.

"Sa Mall? Para maka-unwind. Hindi pa tayo nakakapasyal simula noong nag-break out ang Elisio."

"Sige. Bukas?"

Napangiti ako. "Oo, bukas."

Tumango siya. Sinaksak niya ang earplugs sa tainga at naki-sing along sa kantang pinakikinggan sa playlist. Napailing na lang ako at muling binuksan ang laptop. Hinanap ko sa net ang tungkol sa cashless society at nakuha ng isang headline ang interest ko. Binuksan ko ang article at binasa ang nakasulat.

"WORLD BANK OPENS MORE LOANS TO PRINSIPYA"

News World Today

June 30, 20**
by Guinea

The aftermath of two virus breakout leave the country in so much distress. Despite of different mitigation programs for economic loss, the TY News Anchor Jerica suspected that there will be no growth for the country's economy for the next two years.

In the latest online meeting held last tuesday, the DF admitted that the administration held an online conference with the World Back to welcome Froilan Natigayon as the new director for the three South East Asya countries.

During the meeting, DF Representative Yui said that the World Bank has already provided $10 billion for financial assistance to the country to help in providing emergency relief to sectors that had greatly affected due to four months total lockdown.

Last Degree (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon