Nagbibihis siyang aligaga. Sabi niya, huli na siya sa pagpasok at panay ang tanong kung bakit hindi siya nagising nang tumunog ang alarm clock kaninang alas-cinco ng umaga. Nagbikit-balikat ako. Maski ako, naging mahimbing ang tulog kaya hindi ko rin napansin, at 'yon, na-drain ang baterya ng alarm clock sa kakatunog. Alas-diyes na ng umaga. Almost five hours.
"Ayaw mong mag-breakfast muna?" Humikab ako at nag-unat. "Tatawid ka pa ng dagat."
Ngumuso siya. "Kukuda na naman si Perfect Manager. Aalis na 'ko. Bye!" Tapos sumara ang pinto pagkalabas niya.
Pumikit ako at huminga nang tatlong beses. Nag-unat-unat na naman ako saka bumangon. Sinulyapan ko ang alarm clock bago ko kinuha ang tuwalya at lumabas ng pinto. Humikab na naman ako at pikit-matang naglakad sa hallway. Hindi ko alam kung bakit sobra akong inaantok na maski ngayon ay gusto ko pa ring humilata sa kama. Pero kailangan kong bumangon dahil may manuscript pa akong dapat i-edit at i-revise.
"Tumingin ka sa daan -"
Bumangga ako sa isang matigas na bagay. Nahinto ako sa paghakbang. Pikit-mata kong tinaas ang kamay at kinapa ang pader na binangga ko. Mainit at malambot. Kunot-noo kong minulat ang mga mata at isang kamisetang nagtaas-baba ang nakita ko. Mas lalong kumunot ang noo ko at sinuntok ang kamiseta.
"Stop it."
"Ha?"
Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang tingin namin ng mamula-mulang mata. Magkasalubong ang kilay at mariing magkalapat ang mga labi. Mukha ni Walrus. Walrus... natutop ko ang bibig at napaatras. Mabilis akong yumuko.
"P-Pasensya na." Kinagat ko nang mariin ang mga labi. Para yatang nawala ang antok sa sistema ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko habang pinoproseso ang ginawa ko kanina. Sinuntok ko 'yong dibdib ni Sir Walrus? "Pasensya na po talaga!" impit kong sigaw sa kahihiyan.
"Sinabihan ko na kitang tumingin sa daan. Hindi ka nakinig," mariin niyang bulong saka ako nilampasan. "Kaya muntik nang nabangga," dagdag niya.
Nilingon ko siya at tinanaw ang bulto niyang paalis. Anong nangyari do'n at namumula ang mga mata? Hindi ba siya natulog? Saka ano 'yong sinabi niyang muntik nang nabangga? Sukat noon... naalala ko 'yong lalaking muntik nang makasagasa sa akin malapit sa Plaza Indepedencia. Siya ba 'yong lalaki? Mas lalong nangunot ang noo ko. Pumihit ako at naglakad pababa ng hagdanan. Hindi siya 'yon. Tama, hindi siya. Saka kung siya nga... ano naman ngayon?
Sa loob na ako ng banyo nagbihis. Saka, nagmadali akong naglakad papunta sa hagdanan. Kaso nakita ko si Sergio sa isang malaking glass window sa first floor. Nagdidilig siya ng mga halaman na nasa harapan ng apartment building. Naka-topless siya saka nagfi-flex ang malalaking biceps sa tuwing gumagalaw. Sumandal ako window sill saka humalukipkip habang nakatitig kay Sergio. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang talampakan.
Pwede siyang maging character reference ng kasalukuyang nobelang nakatingga sa Word Document. Halos isang buwan na ang last update ng romance story na 'yon. Hindi ko kasi mahanap ang koneksyon ko sa istorya kaya nahirapan akong magpatuloy sa pag-update. Saka... nawalan ako bigla ng gana sa perfect characters. Naisip kong boring ng paulit-ulit na characteristics. Tall, dark, handsome, rich. Napaismid ako. Wala namang gano'n sa tunay na buhay.
"Are you murdering him with your looks?"
Napatalon ako sa gulat at napalingon sa nagsalita. Kunot-noo na naman siya at nakahalukipkip. Iba na ang suot niya. Isang long-sleeved blue collared polo. May maliit na spongebob picture sa bandang dibdib na siyang hindi bagay sa itsura niyang parang pinagsakluban ng langit sa sama ng tingin. Umikhim ako. "Hindi, Sir Walrus."
"Good." Tumango siya. "Wala ka bang trabaho ngayon?"
"Mmm. May nobela akong kailangang i-edit."
BINABASA MO ANG
Last Degree (Complete)
AbenteuerIn order for the survival of mankind, the world leaders decided to unite. It is after the global economic loss due to the pandemic. Vivid Letecia, a fictionist and fearful woman, give her support for one world government. But months later, the new g...