Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Sergio at Walrus. Seryoso sila at determinado. Huminga ako nang malalim bago humawak sa kamay ni Rey. Pinaling ko ang ulo sa gilid at tiningala ang punong pinagtataguan namin. Nakita ko sa gilid ng mata ang pagtingin ni Rey sa gawi ko.
Bumaling ako sa kaniya at ngumiti. "Kaya natin 'to," bulong ko.
"O-Oo."
Binalik ko ang tingin sa puno, pagkuwan ay tumingin ako kay Walrus at tumango. Tumango siya pabalik sabay sugat sa braso niya. Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko ang mahinang igik ni Rey at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Pinisil ko ang kamay niya bilang ganti.
Dinig ko ang pagbuga ng hangin ni Walrus. Pansin ko sa gilid ng mata ang pag-abot niya ng swiss knife kay Sergio. This time, si Sergio naman ang sumugat sa sarili niyang braso. Matapos niyon, sabay silang lumapit sa amin ni Rey.
Hindi masyadong nasisinagan ng naglalaking ilaw ng kampo ang lugar na kinatatayuan namin. Malayo-layo rin ang military troop kaya malaya kaming gumalaw sa puwesto namin. Isa pa, mataba ang katawan ng puno kung saan kami kasalukuyang nakasilong. Pero, hindi pa rin nawawala ang pag-iingat para hindi matanglawan ng liwanag ng kampo. Mas mahahalata kami kapag gano'n.
"Stay still," utos ni Walrus kay Rey.
Umatras ako para bigyan sila ng space. Kita ko kung paano saluhin ni Walrus ang likidong tumutulo sa braso niya. Pagkatapos, lumuhod siya sa harap ni Rey at hinaplos ang hita pababa sa binti gamit ang kamay na nalagyan ng dugo. Tumayo siya pagkuwan at bumaling sa akin.
"Assist her while we ask help from them. Take it slow." Bumaling siya ulit sa asawa niya. "Act as if you're in pain."
Tumango si Rey saka hinawakan ang braso ni Walrus na sinugatan ng huli. "M-Masakit ba?"
Nagbaba ako ng tingin at tumalikod sa kanila. Lumayo ako ng sampung hakbang paabante. Hindi ko inasahang susunod si Sergio at aakbay sa akin.
"Sinabi mo kay Walrus," bulong niya. Pinahid niya ang duguang kamay sa braso at damit ko. "Anong sinabi niya sa 'yo, Vivid?"
"Wala."
"Wala?" Natawa siya. "Hindi ako naniniwala."
"Nagtanong lang siya." Bumuntong-hinga ako. "Para yatang nagalit na ewan."
"Ayaw niya sanang ipagkatiwala si Reymalyn sa 'yo, pero sinabi kong mapagkakatiwalaan ka. Wala naman siyang magagawa dahil apat lang tayo. 'Wag ka sanang magtampo sa kaniya. Inaalala lang niya si Reymalyn."
Tumango ako. "Hindi naman ako galit sa kaniya."
Ramdam ko ang pagngiti niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap. "Alagaan mo sarili mo, Vivid. Alagaan mo rin sana si Rey."
Pagak akong natawa. "Alam ko. Saka, dalawa na kayong ibinilin si Rey sa akin. Ano bang plano niyong dalawa?"
Kumalas siya ng yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Magpapanggap kang bumibiyahe papuntang Mantalongon, at habang nagmamaneho, nakita mo ang mag-asawang sina Walrus at Reymalyn sa gitna ng daan. Nagdurugo si Reymalyn at humingi ng tulong ang duguang asawa niya na si Walrus. Isusugod mo sana sila sa ospital pero nawalan ng gas ang kotse. Wala ring kalapit na gas station at walang reserba sa sasakyan. Napilitan kayong maglakad. Kaso, naligaw kayo sa daan at nakasagupa ang isang ligaw na hayop. Nasugatan ka habang nakipagrambulan sa hayop, hanggang may dumating na lalaki - ako 'yon. Tinulungan kitang itapon sa ilog ang hayop. Nakita natin ang liwanag ng kampo. Tumakbo tayo papunta sa liwanag para humingi ng tulong."
Napakurap ako saka napahinga nang malalim. "Yon lang? Anong plano pagkatapos?"
"Didiretso kayo palampas sa tulay habang kinukuha namin ang atensyon ng nagbabantay."
![](https://img.wattpad.com/cover/224544573-288-k51243.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Degree (Complete)
PertualanganIn order for the survival of mankind, the world leaders decided to unite. It is after the global economic loss due to the pandemic. Vivid Letecia, a fictionist and fearful woman, give her support for one world government. But months later, the new g...