Matapos naming kumain, nagpaalam na si Fetiana para magtungo sa kuwarto niya. Nagpaalam na rin ako kay Jack para bumalik sa kuwartong pinagdalhan sa akin ni Syna kanina. Napansin ko pa ang kakaibang titig at ngiti niya bago tumango. Ngumiti na lang ako nang pilit at pinagsawalang-bahala ang napansin ko.
"Naalala mo pa ba ang kuwarto, Ahana?" habol na tanong ni Jack bago ko pa mahawakan ang seradura ng pinto.
Lumingon ako sa kaniya. "O-Oo. Naalala ko yata." Hilaw akong ngumiti.
"Mabuti. Sige na. Magpahinga ka na, at tiyak kong napagod ka nang husto."
"O-Okay... salamat."
Mabilis kong pinihit ang seradura at binuksan. Lumabas ako ng dining area saka malalaki ang hakbang na naglakad sa pasilyo. Rinig ko pa ang pagsara ng pinto sa likod.
Ewan ko pero hindi ko gusto ang awra ni Jack. May kakaiba sa kaniya. Hindi ko mapangalanan kung ano pero hindi ko gusto ang titig niya. Parang nansasakmal. At hindi ako sanay sa gano'ng tipo.
Humakbang ako patapak sa sala. Nagulat na lang ako pagkakita ko kay Juvi na sige pa rin sa pagpunas ng sahig. Hindi pa siya tapos sa pagpunas? Paano niya inihanda ang damit doon sa itaas?
"J-Juvi?" Humakbang ako palapit sa kaniya. Humigpit ang hawak ko sa bata. "Kanina ka pa riyan?"
Para naman siyang nagulat. Malaki ang mga matang nag-angat siya ng tingin sa akin saka hilaw na ngumiti. "Hindi, Maam. May pumasok kasing manggagawa kanina. Pinupunasan ko 'yong putik na nadikit sa sahig galing sa boots."
"Ah. Mukhang pagod ka na," marahan kong sambit.
Natawa siya saka pinunasan ang pawis na namuo sa noo niya. "Trabaho ko, Maam. Walang pagod-pagod sa trabaho."
Nagkibit-balikat ako. "Sabagay." Ngumiti ako sa kaniya. "Mauna na ako sa itaas, ha? Para makapagpahinga na itong si Baby."
Bumaba ang tingin niya sa sanggol na nasa braso ko. Lumunok siya. "Anak niyo, Maam?"
"Hindi. Sa kaibigan ko."
"Ah, para kasing patay na ang bata."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi. Humihinga pa naman siya. Sadyang maputla kasi premature."
"Premature?" Nanlaki ang mga mata niya. "Sabihin niyo, Maam... binakunahan ba ang ina ng bata?"
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Anong sinasa -"
"Juvi," biglang singit ng isang baritonong boses.
Agad na nagbaba ng tingin si Juvi at mabilis na bumalik sa pagpupunas ng sahig. Napalunok ako. Mabilis akong pumihit at sumalubong sa akin ang seryosong titig si Jack.
Biglang sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. "Bakit nandito ka pa? Matulog ka na sa itaas, Ahana."
"S-Sige," impit kong sambit saka mabilis na humakbang palampas sa kaniya. Langhap ko pa ang pabangong gamit niya nang dumaan ako sa gilid niya. Patakbo akong umakyat sa hagdan. Huminto ako sa pinakahuli at nilingon si Jack. Nakatalikod siya sa gawi ko at nakapameywang sa harap ni Juvi. Pinagpatuloy ko ang hakbang papunta sa kuwarto.
Binuksan ko ang pinto at otomatikong bumukas ang ilaw ng kuwarto. Binaba ko ang sanggol sa kama at nagpaypay gamit ang kamay. Kinabahan ako bigla. Paano kung may gawin si Jack kay Juvi?
Natampal ko ang noo at napapikit. "Wala kang dapat ikabahala, Vivid. Mabait si Jack. Sadyang masyado ka lang negative. Relax lang, 'kay? Relax. Chill..."
Nagmulat ako at nagbaba ng tingin kay Baby. Pikit ang mga mata niya at walang pagbabago sa kulay ng balat. Maputla pa rin. At may nangangasul ang labi. Pero imposible ang sinasabi ni Juvi. Hindi pwedeng patay si Baby. Humihinga pa ang sanggol. Tama, humihinga pa siya.
BINABASA MO ANG
Last Degree (Complete)
AdventureIn order for the survival of mankind, the world leaders decided to unite. It is after the global economic loss due to the pandemic. Vivid Letecia, a fictionist and fearful woman, give her support for one world government. But months later, the new g...