Chapter 13

42 5 0
                                        

A/N: sorry. Hindi ako mahilig mag-proofread. Please beware of errors ahead.

...

Nagtama ang tingin naming dalawa at sabay kaming natawa. Tinuro ko ang walang talim na sibat at humalakhak. Napailing si Sergio at napakamot ng batok. Umiling-iling naman si Walrus habang natatawang pumalakpak si Rey. Kaibigan ko talaga ang huli.

"Saan ka makakakita ng pudpud na sibat? Dapat matalim 'yong dulo!" Tumawa pa ako bago umikot at naglakad palapit sa puno kung saan naghahanda si Rey. "May pwede bang makain sa hiking bag ni Sergio?"

"Hmm... dalawang canned goods lang. May isang bottled water dito na pwede nating paghatian."

"Mabuti na lang." Naupo ako sa tapat niya at tinulungan siyang maghanap ng makakain sa loob ng hiking bag.

Isang maliit na flashlight lang ang ginamit namin ni Rey na pang-ilaw habang 'yong sinag ng full moon ang gumagabay sa dalawang lalaking kasalukuyang naghahanap ng isda sa mabatong ilog.

Gumawa ng sibat si Sergio pero dahil swiss knife lang ang dala niya, kaya hindi niya masyadong napatulis 'yong dulo ng kawayan. Nang tinanong ko kung saan niya nahanap ang kawayan, may mga troso raw hindi kalayuan sa ilog. Nakakita siya ng piraso ng kawayan sa mga troso at 'yon ang kinuha niya.
Nagsuhestiyon naman kanina si Walrus na gumawa kami ng bonfire pero agad akong umiling sa ideya niya. Hindi ko pa nakakalimutan ang mga eksena sa nobelang sinulat ko. Madaling matutunton kapag gagawa kami ng apoy sa gilid ng ilog. Pwede maka-trigger ang usok. Saka mahirap apulahin agad ang apoy kapag may papalapit sa puwesto namin. Nagkasya na lang kami sa maliit na flashlight.

Napatingin ako kay Rey nang huminto siya sa pagkalkal at napahawak sa lumalaking tiyan. "May masakit ba, Rey?" tanong ko.

"U-Uhm... medyo."

Inabot ko ang balikat niya. "Saang parte masakit?" Umusog ako palapit sa kaniya at marahang humawak sa tiyan niyang natatakpan ng tela ng suot niyang loose dress. "Dito ba?"

"H-Hindi. Wala lang 'to, V-Vivid."

"Sigurado ka?"

Tumango siya saka humugot nang malalim na hininga. Nagpatuloy siya sa pagkalkal. Mariin ko siyang tinitigan bago nagbaba ng tingin sa hiking bag.

"Vivid?"

"Bakit?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sumakit na naman ba?"

"Hindi. Gusto ko lang itanong kung may experience ka nang midwifery?"

Napatitig ako sa kaniya, saka napangiti. Napatapik ako ng pisngi at napailing. "Tinatanong mo 'yan? Alam mo naman ang kurso ko. Sobrang layo sa medic."

Natawa siya. "Kasi naman, nag-aalala akong walang mag-assist sa akin kapag kabuwanan ko na. Hindi naman ako expert sa ganiyan. Nagba-balance ho ako ng credit at debit during college days."

"Pati naman ako. Anong malay ko sa midwifery, e programming at computer built-ins ang inasikaso ko for four years?"

Nagkatinginan kami ni Rey, saka napahalakhak nang sabay. Napailing na lang ako sa pinag-uusapan namin. Pero hindi nawala ang pag-alala ko sa kalagayan niya. Wala akong alam sa pagpapanganak. Sa pelikula ko lang nakikita ang mga gano'n saka hindi ko pa nari-research ang tungkol sa ganiyang bagay.

Bumuntong-hinga ako. "Baka may maalam doon sa Christian church sa Mantalongon. 'Wag kang mag-alala." Ngumiti pa ako kay Rey para pagaanin ang loob niya.

Tumango siya at gumanti ng ngiti. Saktong narinig ko ang mga yabag ng dalawang lalaking papalapit sa puwesto namin. Dinig na rinig ko ang boses ni Sergio. Tumingin ako sa gawi niya, at iniwagan ng flashlight ang hawak-hawak niyang maliit na isda. Bumubuka-buka pa ang maliit na bibig.

Last Degree (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon