Chapter 9

51 6 0
                                    

"Hindi papayag ang mga tao rito. Magkakaroon ng gulo kapag pinatupad ang NWO."

Lumingon ako kay Rey at mariing tumitig sa kaniya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo pa rin naintindihan, Vivid? Magkakaroon ng world war three kapag pinatupad na ang NWO! Maraming Kristiyano ang hindi agree sa pagpapatupad no'n dahil alam nilang maghahari ang Anti-Christ sa pagpapatupad ng NWO!"

"Sa'n mo nalaman 'yan?" Nangunot ang noo ko. "Akala ko ba sang-ayon ka sa NWO?"

Nanubig ang mga mata niya at bahagyang napahawak sa puson. "Nag-send ng message sa akin ang Tita Mildred sa States. Sinabi niyang maraming tutol sa pagpapatupad no'n at handa silang makipaglaban para hindi matupad ang marka. Magulo na ro'n dahil sa pagtutol ng mga tao."

Ilang segundo akong napatitig kay Rey. Nag-aalala ang mukha niya at mariing kagat-kagat ang labi, at bahagyang hinihimas ang puson. Napalunok ako at nagbaba ng tingin.

"Marka? Mark of the beast?"

"Oo, Vivid," luhaan niyang sambit. "N-Natatakot ako. Marami ang nagsasabi na malapit nang ipapatupad ang mark of the beast. Ang ibang bansa, malaya nang pinapatupad 'yon sa pamamagitan ng microchip na nilalagay sa kanang kamay at noo. N-Nandito na, Vivid. Nandito na ang marka..."

Napahakbang ako palapit sa kaniya. Pero agad akong napahinto nang makita ko sa likuran niya si Walrus. Naglalakad siya palapit sa gawi namin ni Rey, at kasunod niya si Sergio. Seryoso ang titig niyang nanatili sa akin hanggang huminto siya sa likuran ni Rey.

"Kailan mo sasabihin sa aking magkakaanak na tayo, Reymalyn?" madilim na tanong ni Walrus. Nakatitig pa rin siya sa akin at bahagyang nakakunot ang noo. "Why hiding the truth about our child, Reymalyn?" dagdag niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ni Rey at agad pumihit paharap kay Walrus. "A-Alam mo na?"

Tumango si Walrus. Bumaba ang tingin niya kay Reymalyn. "You filed maternity leave." Napatingin si Walrus sa tiyan ni Rey bago muling inangat ang tingin sa mukha ng kaibigan ko. "Ilang buwan na?"

Nagbaba ako ng tingin sa sahig at dahan-dahang pumihit. Humakbang ako paabante. Kumurap-kurap ako at tumingala habang dahan-dahang humakbang papunta sa dulo kung nasaan ang kuwarto namin ni Rey. Limang buwan na ang tiyan ni Rey kaya kapansin-pansin na ang baby bump. Nag-alala siya lalo't sensitibo pa rin ang pang-amoy niya. Kaya naman nagdesisyon siyang mag-file ng maternity leave sa HR. Kaya siguro nalaman ni Walrus nang gano'n kaaga. Pero kung gano'ng nag-conclude agad siya na siya ang ama ng dinadala ni Rey, ibig sabihin na may nangyari na nga sa kanila.

Napahawak ako sa dibdib at huminto sa harap ng pinto. Bumuntong-hinga at saka inabot ang seradura't pinihit. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at sinara agad ang pinto. Tinali ko ang nakalugay kong buhok saka naupo sa harap ng nakabukas na laptop.

Akmang magtitipa ako nang mapatingin ako sa Police ID na kahapon ko lang nai-renew. Binasa ko ang ibabang labi saka nilagay sa wallet ang ID. Pagkatapos, nakikonekta ako sa WiFi. Binuksan ko ang email sa pagbabakasakaling may mga publishing deals na hindi ko nabasa.

Pero imbes na 'yon ang mahanap ko, isang email mula sa isang ahensiya ng gobyerno ang nakabinbin sa spam inbox. Binuksan ko 'yon at binasa.

Miss Vivid Letecia Dela Serna,

Good day. This is to inform you that your application for National Identification System has been retrieved in our server. Your application has been subjected for verification from other government agencies and private sectors you've dealt with for over twenty years. We will notified you for the ongoing processes. All data are being stored in our server.

Last Degree (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon