Chapter 20

43 5 3
                                    

Umakyat ako sa mas mataas pang bahagi ng bundok kahit labag sa kalooban ko. Walang tigil sa pagdaloy ang mga luha mula sa mga mata ngunit pilit ko 'yong pinapalis, at napapabuntong-hiningang kakapit sa mga puno para itaas ang sarili sa mas patarik pang parte ng bundok.

Hindi ko gustong pabayaan si Walrus na muling bumaba ng bundok. Pero ito ang kahilingan niya. At wala akong magagawa ro'n lalo pa't nasa akin ang... ang bangkay ni Sheila.

Napasinghot ako at pinahid ang pisngi. Nag-angat ako ng tingin. Malapit na ako sa mas mababang taluktok ng bundok. Mangilan-ngilan na rin ang puno sa bahaging ito, at puro damo ang nakapaligid sa mga naglalakihang bato. Napabuga ako ng hangin. May makikita kaya ako sa itaas?

Napalunok ako sa uhaw. Kanina pa nanginginig ang mga tuhod ko sa pagod pero patuloy pa rin ang pag-akyat ko sa itaas. Halos mapasubsob na ako sa pagkahapo, kung hindi ko lang iniisip si Sheila. Kailangan kong marating ang ligtas na lugar para mailibing ko si Sheila.

Napasandal ako sa puno at napatingala sa napakalinaw na buwan sa kalangitan. Tinaas ko ang kamay at marahang hinaplos ang sanggol na nakadikit sa bandang tiyan ko. Itinali ko na si Shiela sa katawan ko para hindi ako mahirapan sa pag-akyat.

"S-Sorry..." Huminga ako nang malalim. "Hindi ko alam na sa simula pa lang, wala ka na." Pagak akong natawa. "Pilit kong winawaksi sa isip ko ang tungkol sa pagiging premature mo, ang maputlang balat at nangangasul na mga labi, ang hindi mo pag-iyak, at ang sobrang lamig na balat mo. I made myself believe that you're alive but the truth was not. I'm sorry for being selfish. I didn't mean to be selfish, baby..."

Nanlabo ako ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha. Suminghot ulit ako at pinahid ang pisngi bago nagpatuloy sa pag-akyat. Sumipol ang hangin kasabay nang pagsayawan ng mga dahon. Naglipana ang ibong namamahinga sa mga sanga ng puno.

"Give thanks, to the Holy One.
Give thanks, because He's given Jesus Christ, His Son."

Lumunok ako at kumapit sa puno. Pinilit ko ang sariling humakbang sa itaas.

"And now, let the weak say I am strong
Let the poor say I am rich
Because of what the Lord has done for us."

Huminga ako nang malalim nang marating ang taluktok. Isang panoramic view ng Mantalongon ang nakita ko. Umawang ang labi ko at napasigaw, "Mantalongon!" Napangiti ako.

Hapong napaupo ako sa tuyong damuhan. Sa ibaba, kita ko ang napakalawak na maisan at manggahan ng mga Ursula. Nakita ko pa ang malawak na gubat sa gilid ng maisan. 'Yon din yata ang gubat na pinanggalingan ko, at kung saan nakalibing si Rey.

Kahit na tirik ang maliwanag na buwan sa itaas, hindi ko pa rin maaaninag si Walrus sa ibaba. Masyadong malayo. At tiyak lang akong masasaktan. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Sergio na dapat hindi na ako tumingin para hindi ako masaktan. Napabuntong-hinga ako.

Nagbaba ako ng tingin sa sanggol. Nangingitim na ang mga labi niya at sobrang lamig na ng katawan. Napahinga ako nang malalim at nagpalinga-linga sa paligid.

Bulubundukin ang nasa likuran at magkabilang gilid ko. Walang masyadong puno rito sa tuktok at masyadong mahangin. Malayo ang ingay ng kuliglig sa ibaba kaya mas naririnig ko ang bawat ihip ng hangin. Pumapalibot sa akin.

"Ang ganda ng view. Sana, nandito ang tatlo. Sana buhay pa sila. Sana kasama ko silang nakikita itong payapa at napakagandang tanawin g Mantalongon." Marahan akong ngumiti. "Sana nakikita rin nila ang nakikita ko..."

Namalayan ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko maiwasang malungkot habang pinagmamasdan ang payapang gabi ng Mantalongon. Parang walang nangyari. Nakakadaya ng paningin.

Last Degree (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon