"This is the remnant of the church," sabi ni Maam Rachel.Mangha kong tiningala ang isang hindi pa tapos na gusali. Maliit lang, parang isang simbahan sa isang komunidad na may isandaang katao. May kalakihan ang main door na halos sumakop sa buong facade ng gusali. Walang tore ng kampanilya na palagi kong nakikita sa simbahan. Para lang siyang... bahay.
"Anong church 'to, Maam Rachel?" tanong ni Yuri.
Ngumiti si Maam Rachel. "Tawagin niyo na lang akong Sister Rachel." Bumaling siya ulit sa gusali. "Hindi ko alam kung anong pangalan. Basta tinatawag siya ni Brother Saul na church."
Tinuro niya ang munting duyan sa pagitan ng dalawang puno na nasa gilid lang ng simbahan. "Si Brother Saul ang gumawa ng duyan na 'yan. Pwede niyong magamit kung gusto niya."
"Salamat, Maam." Ngumiti ako. "Sino pala si Brother Saul?"
"Church minister. Kasama ko na nag-e-evangelize noon." Lumakad siya paabante. "Sumunod kayo."
Tumalima kami sa sinabi niya. Humakbang kami papasok sa bukas na pinto ng simbahan.
"Ang dapat ay lalagyan ito ng pangalawang palapag pero hindi natuloy. Ang sabi ni Brother Saul, namatay ang mag-asawang Sean at Angela Babia Tañedo kaya hindi natuloy ang pagpapalaki ng gusali."
"Ah, gano'n pala."
May ilang upuang gawa sa kahoy na nagkalat sa loob ng gusali. Parang typical na upuan sa simbahan. Nakaharap ang mga upuan sa harap, kung saan may kaunting elevated platform. Sa tingin ko, doon tumatayo ang nagsasalita.
"Nasa'n pala ang mga tao, Maam Rachel?" tanong ni Yuri.
"Ah." Hilaw na ngumiti si Maam Rachel. "Yong kasama ko kanina, si Bonbon, nagpunta sa community para tawagin si Brother Saul."
"Community?" taka kong tanong.
Tumango siya. "Kung saan kami namamalagi."
Umikhim ako. "Paano palang naitago itong simbahan, Maam Rachel?"
Nilibot niya muna ang tingin bago sumagot. "Plano ni Angela na magtayo ng simbahan. Noon kasi, walang proper Christian church dito sa Mantalongon. Kapag nagfi-free preaching sila, sa pulic auditorium lang ginaganap. Si Brother Saul ang isa sa mga tumayong leader, pero tinawag siya para mag-minister sa ibang lugar kaya hindi na masyadong nagsasadya ang tao rito. Hanggang sa tuluyan nang naabandona. Ngayon lang binuhay ulit ang mga tao ang simbahan matapos ang ilang taon."
"Pero naitago ang simbahan sa rumurondang otoridad?" takang tanong ni Yuri.
Ngumiti si Maam Rachel. "Nakakubli ang parteng 'to ng bundok. Saka hindi ito ruta ng sasakyang panghimpapawid dahil mataas ang atmospheric pressure sa bahaging ito. Kaya rin dito sinadyang itayo ang simbahan para may mapagtaguan ang mga tao, sa oras na mag-iiba na ang takbo ng mundo. Tulad sa panahon natin ngayon."
Napatango ako sa sinabi niya at napalibot ng tingin sa paligid. "Inasahan na pala ng mag-asawang Tañedo na may mangyayaring ganito."
"Oo. Dahil nakasaad na sa propesiya," sagot ni Maam Rachel.
Narinig ko na lang ang mga yabag mula sa pintuan ng simbahan. Lumingon ako pinto at nakita ko ang kausap ni Maam Rachel kanina, Bonbon yata ang pangalan kung hindi ako nagkakamali. May kasama siyang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid-30s na.
"Brother Saul," masayang bati ni Maam Rachel. "Mabuti't nandito ka na. Nandito na ang sinabi ko sa 'yo noon na isa kong subordinate sa trabaho. Kasama niya ang kaibigan niya. Tulad natin, tumakas din sila para makaiwas sa marka."
BINABASA MO ANG
Last Degree (Complete)
Phiêu lưuIn order for the survival of mankind, the world leaders decided to unite. It is after the global economic loss due to the pandemic. Vivid Letecia, a fictionist and fearful woman, give her support for one world government. But months later, the new g...