Ito 'yong unang beses na lalabas ako ng apartment building. Apat na buwan na pala akong nagkukulong sa gusali at ni hindi ko masyadong napasyalan ang Lapu-Lapu. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisipang sumama kay Sergio para mamalengke. Siguro dahil hindi ako sanay na makitang masayang nagkukwentuhan sina Walrus at Rey.
May namumuo sa kanila. Ramdam ko. Sa klase pa lang ng tingin ni Walrus kay Rey, alam kong may kakaiba. Si Rey naman, alam ko na noon na may gusto siya kay Walrus. Hind niya nilihim ang bagay na 'yon sa akin, kaya naman umiiwas ako sa kanila kapag nakikita ko sila. Bigla na lang kasing kumikirot ang puso ko na hindi ko maintindihan kung bakit.
Wala naman akong gusto kay Walrus. Wala. Hindi dapat. Saka mas gentleman pa si Sergio kaysa sa kaniya kaya bakit ko naman magugustuhan ang isang 'yon?
Binaba ko ang glass window ng kotse at hinayaan ang hanging humampas sa mukha ko. "Ilang months na rin nang huli akong sumagap ng sariwang hangin," ngiti kong bulong.
"Wala namang nagsabi sa 'yong magkulong ka sa apartment. Bakit ba nagkukulong ka, Vivid?"
"Ah. Nakasanayan na siguro."
"Ayaw mo bang lumabas?"
"Hindi naman." Sumandal ako sa sandalan at bumuntong-hinga. Tumingin ako sa harap. "Hindi lang talaga ako sanay na lumalabas. Sa almost three years ko sa pagsusulat, kuwarto ang naging kaagapay ko." Bumaling ako kay Sergio na seryosong nagmamaneho ng kotse. "Kaya pasensya na kung medyo nanibago ka sa akin."
Ngumiti siya. "Wag kang humingi ng pasensya. Sa katunayan, mas gusto kong nasa apartment ka na lang. May nakakasama ako kahit paano sa tuwing abala si Walrus sa ibang bagay."
"Bakit nga ba Walrus ang tawag mo sa kaniya? Bakit walang Sir?"
"Magkasing-edad lang kami. Ayaw ko siyang tawaging Sir. Ayaw niya rin kaya nagkasundo kami."
Tumango ako at binalik ang tingin sa harap. "Hmm... ipasyal mo naman ako sa lungsod. First time kong magpunta rito sa Lapu-Lapu at hindi ko masyadong nalibot nang lumipat kami four months ago."
"Bawal ang pasyal ngayon." Natawa siya. "Sapat na siguro na makita mo ang labas habang namimili."
"Pero naalala ko no'ng lumipat kami, may nakausap kami sa Plaza. Nagkabit na pala ng 5G WiFi hotspot sa public places?"
"Ah, oo. Ngayon na nasabi mo, naalala ko ang requirement para mamili. Alam mo ba ang QR Code?"
"QR code? Oo naman." Nangunot ang noo ko. "Anong meron sa QR Code?"
"Require na sa pamilihan na gumamit ng QR Code para maglipat ng amount online."
"Pati sa palengke may QR Code?"
"Oo."
Mas lalong nangunot ang noo ko. "Grabe naman. Hindi lahat nakaka-access sa QR Code."
"May libreng public gadget na magagamit para mag-transfer ng amount."
"Pero hindi naman lahat gumagamit ng E-Wallet o kaya Credit or Debit cards. Imposibleng makaka-access lahat."
Bumuntong-hinga si Sergio. "Noong nagkaroon ng malawakang pagbabakuna, sapilitang pinag-apply ang lahat ng nasa lower sector sa National ID. Kapag may national ID na, scan to go na lang lahat."
"Scan to go? Anong ibig sabihin no'n?"
Sumulyap si Sergio sa akin bago niliko ang kotse sa isang four-lanes na kalsada. Maraming establishimentong nakatayo sa gilid ng kalye at maraming taong naglalakad sa sidewalk. May suot-suot silang face mask at face shield. Balot na balot din sila sa kasuotan at walang ni isang magkatabi. Pinapatupad nila ang two-meters distance ng social distancing.

BINABASA MO ANG
Last Degree (Complete)
AdventureIn order for the survival of mankind, the world leaders decided to unite. It is after the global economic loss due to the pandemic. Vivid Letecia, a fictionist and fearful woman, give her support for one world government. But months later, the new g...