Her Heartbeat
Araw ng mga Puso.
Iyan ang unang bagay na pumasok sa isipan ko pagmulat ng aking mga mata. Lulugo-lugo akong bumangon at yamot na naupo sa aking kama.
Ngayon ang araw na ipamumukha sa akin kung gaano ako ka-single sa mundong ito.
Habang naghahanda para sa trabaho, sunod-sunod ang pagtunog ng aking cellphone. Sa groupchat naming magkakaibigan, nagkakagulo dahil sa espesyal na araw na ito.
Kasunod ng mga pagbati ay mga impormasyong hindi kaaya-aya. The girls are sharing details regarding their upcoming dates this evening, one by one. Habang tahimik na binabasa ang pagpapalitan nila ng mga mensahe, napagtanto kong napag-iiwanan na ako ng grupo. Halos lahat sa kanila ay may nobyo na o di kaya'y magkakanobyo na.
Nang mag-video call, labag sa loob na sumali ako sa tawag.
["We should bring out our best dress, girls."]
Sabay-sabay ang kanilang pagtango bilang pagsang-ayon kay Hannah.
"Respeto naman sa katulad kong single oh.." parinig ko.
Natahimik sila at buong atensiyon ay nakatutok sa akin.
["Alexis....huwag ka ngang magmaarte. We all know that you have a suitor."]
Si Dolores ang unang pumuna sa akin.
Sunod si Lena. ["Kung sasagutin mo man siya, hindi ka na magiging single."]
Dapat ay nanahimik na lang ako dahil isang pagkakamali ang ginawa ko.
Tumagal ang tawag na ako ang sentro ng kanilang diskusyon. It was a relief when the call finally ended.
I was about to click exit when a new message popped in. My fingers stopped tapping, and my body froze. Napawi ang ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan niya.
His message goes: Good morning, miss. Happy Heart's Day and I love you.
Ilang segundo akong tumitig doon. I took a deep breath and tapped the exit button.
Nakapulang blusa ako nang pumasok sa Bali National High School. Sa gate pa lamang ay sunod-sunod ang pagbati sa akin ng mga estuyante. I smiled at them and greeted back.
Malapit na ako sa school clinic nang may sumabay sa akin.
"Good morning, Sir Kenneth.." pagngisi ko.
"Magandang umaga, Ma'am Alexis!"
Like the usual, Kenneth is full of energy. Napakaaliwalas ng kaniyang mukha na paniguradong mahahawa ka.
Inagaw niya ang handbag na hawak-hawak ko kaya't napaalma ako.
"Hatid na kita sa opisina mo."
Naunang humakbang ang binata ngunit pinigilan ko siya. "Huwag na po, sir. Kaya ko naman po."
He shook his head. I tried getting back my bag, but he moved it away from my reach.
"I insist. Nakakahiya naman sa aming school nurse."
Mapaglaro ang kaniyang tono kaya't napangisi ako. Hindi na ako kumontra at hinayaan siya sa kaniyang gusto.
Hindi pa man kami nakakalimang hakbang, may bago na namang distorbo.
"Good morning, Sir Andrei.." bati ni Sir Kenneth sa dumating.
Pinaglandas ko ang mga mata sa kabuuan ng bagong dating. Tulad ko ay nakapula si Sir Andrei. Napakalinis niyang tingnan sa kaniyang postura—napakapropesyunal. His hair is properly groomed, emphasizing his expressive brown orbs.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...