Heartbeat 16
The third day of the foundation week is for sports. Nakatoka akong bantayan ang mga estudyanteng naglalaro ng basketball dahil tapos na ang volleyball game kaninang umaga.
Pumasok ang bagong kumpol ng mga manlalaro sa loob ng gymnasium. The tallest man caught my attention. Wearing a blue jersey shirt and shorts, Andrei emerged through the crowd. It seems that he is wearing his old jersey uniform back in high school dahil nakaimprenta sa harapan ng kaniyang jersey shirt ang salitang Linavio NHS.
Naiilang na iniwas ko ang tingin nang mahuli niya akong nakatitig. Inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit sa First Aid Station nang lumapit ang lalaki.
Napatingala ako nang tumikhim ito. "What?"
Sinundot niya ang kaliwang pisngi gamit ang dila bago ngumisi. "Panoorin mo ako mamaya...and cheer for me, miss."
"It's not my job to cheer for you, Sir Andrei. Nandito ako para sa kapakanan mga estudyante," I pointed out.
Ngumuso siya at nagkamot ng ulo.
"Hihintayin ko ang pagsigaw mo ng pangalan ko.." pinal na saad ng lalaki bago bumalik sa kaniyang mga ka-grupo.
May umokupa sa aking kanan at paglingon ay lumiwanag ang aking mukha.
"Sir Kenneth!" I exclaimed when I was able to recognize the man's visage.
"Kamusta na, Miss Alexis?"
His infamous grin is on the view.
"Heto, maayos naman. How about you, sir?"
"Still handsome as ever," he proudly replied.
Naiiling na inirapan ko siya. "You're still as conceited as before," I honestly replied, and he laughed.
"Hindi naman. I'm just proud," he defended himself.
Umingos ako at lumabi sa kaniyang harapan.
"Ano nga palang event mamaya?" tanong ko nang mapawi ang aming tawanan.
Itinutok niya ang mga mata sa court kaya't sinundan ko ang kaniyang tingin. The group of students are occupying the left part of the court, while on the other side, the faculty are warming up.
"Ah... sila ba? It's a special basketball game... faculty versus chosen students," tukoy niya.
I bobbed my head when I got the situation. "Bakit hindi ka sumali, sir?" pagtataka ko.
Ngumisi siya kaya't ihinanda ko ang sarili sa parating na bagyo.
"Kaya na nila 'yan, Miss Alexis. Alam mo na, ayokong masyadong ma-expose ang kaguwapuhan ko.."
Napairap ako sa kawalan. "Alam mo, sir, ang hangin mo talaga.."
"As what I have said, Ma'am Alexis, I'm just proud."
I smacked him on his shoulder, and we both laughed.
We focused our attention on the game when it started. Pamaya-maya ay hindi ko mapigilang mapairap sa mga nagmamayabang na komento ni Sir Kenneth.
A loud cheer reverberated in the gym when Andrei attempted a three-point shot. The moment the ball went in, mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga estudyanteng nanonood. Nagkatinginan kami ng lalaki at sinalubong ako ng kaniyang seryosong mga mata.
"Ang galing talaga ni Sir Andrei," komento ng aking katabi.
Nagkibit-balikat lamang ako at hindi na nagsalita.
"Pero mas magaling pa rin ako," pahabol ni Sir Kenneth kaya naman hindi ko mapigilang mapahalakhak. What can I expect from this conceited guy?
"Ilang taon ng nagtuturo si Sir Andrei dito sa BNHS?" I asked him.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...