Heartbeat 27

133 1 0
                                    

Heartbeat 27

The music for the graduation march played, and the graduates started to enter the gymnasium together with their parents. Nagtagal ng ilang minuto hanggang sa mapuno ang gym.

Kumunot ang aking noo nang saglit na pasadahan ng tingin ang mga katabi. I stood up, and they might have noticed so they stopped nudging each other. Tumingala sila kaya't nagkatinginan kaming tatlo.

"Move," nguso ko kay Sir Kenneth ngunit umiling lamang ito. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sa takot ay umusog ito. Labag sa kaloobang tumitig siya sa akin pabalik.

"Huwag naman kayong pahalata," I whispered to them while settling between the two.

Napasinghap si Ma'am Amy. "Ganoon ba kami ka-obvious?"

I nodded and continued, "Alam niyo namang mahigpit ang paaralang ito sa PDA. Even teachers are not compromised, of which I totally understand."

"Maybe we need to be more conscious, baby.." Kenneth sweetly whispered to Amy.

Napangiwi ako sa narinig at sarkastikong napaubo. Imagine, nasa gitna pa man din nila ako!

"Baby? Really? Nakakasuka!" I spat in distaste.

Inis na binalingan ako ng dalawa. "Inggit ka lang eh," si Kenneth.

"Magboyfriend ka na rin kasi, para may matawag ka ring 'baby'. Nandiyan naman si Sir Andrei," asar naman ni Amy.

I shrugged my shoulders. "Huwag niyo akong pagtulungan oy! Sige kayo, ibubunyag ko ang sikreto ninyo," may diing pagbabanta ko.

Nanahimik ang dalawa sa aking tabi. With that, a victorious smile tugged my lips apart.

Ever since I found out that the two are dating, I have been so supportive of them. Iyon nga lang, ako ang napagkakaisahan nilang asarin at inisin. My only counter-attack is to warn them that I'd expose their secret relationship, so in the end, ako rin lang ang nananalo.

The two grunted, and the sly smile on my lips widened. Napakibit-balikat ako at itinoon ang tingin sa harapan.

"Welcome to the 12th Commencement Exercises of Bali National High School!" masiglang pagbati ng baritonong boses ng emcee.

Kumabog ang aking puso nang mapagmasdan siya sa kaniyang red three-piece suit. His expertly styled jet-black hair gave an impression to his deep-set brown orbs, pointed nose, angled jaw, and curvy yet kissable lips.

Nang aksidenteng nagtama ang aming paningin, lumunok ako at hindi umiwas ng tingin. Tila bumagal ang pagpatak ng oras at ang ingay sa buong gymnasium ay hindi ko na marinig. Only what matters is him, staring intently at me.

Ang pagkakahinang ng aming mga mata ay tuluyang natapos nang iniwas niya ang kaniyang tingin. Tila may kumurot sa aking puso sa kaniyang pag-iwas. With that, he's back again to ignoring me.

I took a deep breath and glanced at him for the last time before shifting my gaze to the graduates.

"Oy ano 'yon?" Amy nudged me. "Ang lagkit ng tinginan ah.."

I rolled my eyes. "Isa pa, Ma'am Amy, at lalabas na ang isyu mo.." paglalabas ko sa aking bala kaya naman nanahimik ito sa aking tabi.

I smirked. Hinarap ko si Sir Kenneth at inarko ang kilay. "Ano? Sasabat ka rin?" hamon ko ngunit hindi na rin siya umimik.

It was already late when the graduation ceremony finished. Tumayo na ako at nagpaalam sa magnobyo.

"I have to go," wika ko at bumeso kay Amy.

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon