Heartbeat 28
"Okay ka lang?"
Tila ako nahimasmasan mula sa pagmumuni-muni nang magsalita si Ma'am Amy sa aking tabi.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Ah, I'm fine."
"Nag-de-daydream ka na naman," komento niya sabay ngisi. "Kung miss mo na 'yung tao, isang chat lang 'yan.."
Iniwas ko ang tingin at ibinalik ang pansin sa pananghalian.
"Huwag ka nang mahiya. Isang sabi mo lang ng 'I miss you' kay Sir, magkukumahog na 'yon pabalik sa'yo.."
Itinoon ko ang seryosong tingin kay Amy nang hindi ito tumigil kaya't nanahimik ito sa aking tabi.
"How about you? Hanggang kailan ninyo itatago ni Kenneth ang relasyon ninyo?" I shifted the subject back to her.
Isang malalim na buntong-hininga bago sumilay ang malungkot na ngiti sa kaniyang labi.
"Honestly, I don't know, Alexis. Kenneth has been telling me that it's okay for us to keep it this way. No complications and issues daw."
She shrugged. "Ayaw ko namang itago na lang ito ng tuluyan. I don't want to be his secret girlfriend forever!"
Heaving a sigh, I caressed her shoulders. "Alam mo naman 'yang pinasok mo. Siguro'y kailangan ninyong mag-usap nang masinsinan. Tell him your worries, Amy."
She nodded. Pilit siyang ngumiti at pinasaya ang boses. "Ang galing mo magbigay ng advice ah! Epekto ba 'yan ng pagiging sawi?"
Hindi ako sumagot at pinaningkitan siya ng mga mata na siyang ikinatahimik ng bruha.
The lunch ended pretty well with Amy well-behaved. Pagbalik sa school clinic ay sandali akong tumunganga. Bago pa mag-overthink ay pinigilan ko na ang sarili. Isang malalim na buntong-hininga bago ipinagpatuloy ang naiwang trabaho.
Sa pagpatak ng alas singko ay nagsimula na akong magligpit. Abala ako sa pagsasara sa clinic nang tumunog ang aking cellphone. Lena's name flashed across the screen.
"Hello?" patanong kong pagbati.
["Bes, darating ka ba?"] she eagerly asked.
"Oo, I'll be there."
Mabilis akong nakarating sa Hannah's. Today is our usual Friday night-out pero pagpasok palang sa bungad ng resto ay napatigil ako...all because of the ambiance encapsulating the place.
Napangiwi ako nang mapagmasdan ang mga kaibigan. "Hi," I spoke in a small voice.
Isang lingon at maikling tango lamang ang kanilang ibinigay sa akin bago bumalik sa pagkakalingkis sa mga katabi.
I cleared my throat to catch their attention. "Care to introduce them to me?"
"Ah! This is Ismael." Matamis na ngumiti si Lena sa kaniyang katabi. "Babe, this is Alexis."
Bumitaw naman sa pagkakayakap si Dolores at nakangising humarap sa akin. "This is Erwin," tipid na saad nito at muling hinagkan ang binata.
"Benedict," maikling pahayag ni Nely na hindi ako tinatapunan ng tingin.
Tila naman may sariling mundo sina Hannah at Michael sa gilid na hindi na kami pinansin.
Nakanguso akong umupo sa puwesto at humalukipkip. Gusto kong takpan ang mga mata dahil pakiramdam ko'y magkakasala ako dahil sa mga nakikita.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong na-torture roon, kaya naman abot-abot ang pasasalamat ko nang dumating si Cleyton. Gaya ko, lukot ang mukha nito nang mapagmasdan ang mga magnobyo.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...