Heartbeat 18
Eight years ago...
Sina Mama at Papa ang pinakaunang pumasok sa isip ko nang masulyapan ang listahan ng aking mga grado. Ilang ulit kong pinasadahan ang nakalagay sa portal ngunit wala talagang pagbabago.
My prelim grades are out, and I flunked two of my major subjects.
Huminga ako ng malalim at napatingala. The sun is already setting. The orangey hues that have always fascinated me seemed so bland today.
Dala ng pinaghalong kabiguan at kaba, wala akong maramdaman kundi pagkamuhi sa sarili. It's my fault and I brought this disappointment upon myself.
Naging pabaya ako... I spent my first months at the university thinking of all the things happening in my life. Tuwing nagdi-discuss ang instructor namin, lagi akong tulala. I have too much on my plate...the unending argument with my sister...the pressure my parents had put upon me...and my studies that I had neglected.
Sa lahat ng kaguluhang ito, isang tao lang ang alam kong takbuhan—Andrei. He is my peace in this chaos...kaya naman kahit ilang ulit niya akong ipinagtatabuyan, natatagpuan ko na lang ang sariling bumabalik sa kaniya.
My body knew the routine and my feet seemed to have memorized the direction. Tatlong beses ba naman sa isang linggo kung pumunta sa bahay nina Andrei.
Tinahak ko ang pamilyar na kalsada nang makababa sa jeep. Ilang hakbang lang ay narating ko na ang pakay.
"Why are you here again?"
Rinig ko ang kaniyang baritonong boses mula sa aking likuran na nagpaalala sa akin nang unang beses ko siyang nakaharap. Lumingon ako at napalabi.
"Gusto ulit kitang makita."
Dahil kapag nakikita kita, nabibigyan ako lakas na lumaban at magpatuloy. Nagkakaroon ako ng pag-asang magiging maayos din ang lahat.
"I told you to leave me alone, Alexis. Bakit bumalik ka pa?"
Sa ilang araw kong pangungulit sa kaniya, hindi nagbago ang kaniyang malamig na postura. He remained firm with his 'no'.
"Bumalik ako para sa'yo, Andrei.."
The longing I feel is still there, but this time, it is overpowered by a bitter sentiment that has been accumulated due to the constant rejections I had received.
Marahas siyang napahugot ng hininga na tila ba pinapahaba ang natitirang sinulid ng pagtitimpi. Hinintay ko siyang magsalita ngunit nanatiling umid ang kaniyang dila.
"Ang bigat-bigat ng loob ko ngayon, Andrei. Everything is falling apart.. Samahan mo naman ako kasi gulong-gulo na ako."
"Go to your friends, Alexis."
Malamig. Malamig ang kaniyang pagtanggi at pananaboy sa akin.
"Ikaw ang gusto kong makasama, Andrei. Please..."
He stared. Alam kong nakikita niya ang namumula kong mga mata ngunit hindi mababakasan ng emosyon ang kaniyang mukha. I suppressed a mouthful of air and let myself get drowned by his expressive brown orbs.
Nabulabog ang pagkakahinang ng aming mga mata nang umeksena ang taong ayaw ko nang muling makita pa.
"Andrei, let's go."
My eyes landed on Jinny, looking glamorous in her plunging red embroidered dress. Her full lips are painted with her signature classic red lipstick.
Ngumisi ang babae nang pasadahan ako ng tingin. "What are you doing here, Alexis? Still begging for Andrei's attention like a lost cat?"
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...