Heartbeat 17
My friends and I are all looking forward to the last day of the foundation week. This is because the closing ceremony was organized in the form of a socialization night for the alumni of the school.
For a formal party that requires make-up and dresses, preparation is a must.
"Where's Hannah?" tanong ko kay Lena.
Kasalukuyan naming ginagawa ang paghahanda sa loob ng kaniyang kuwarto. I can see my reflection on the vanity mirror as well as Lena, who is standing on my left side, curling the tips of my hair.
Nagkatinginan kami sa salamin kaya't kita ko ang pagkibit-balikat niya. "Baka kasama si Nely?"
Gumalaw ang aking ulo nang pasadahan ng tingin ang wall clock sa kuwarto ng kabigan. "Nasaan ba kasi sila?"
Kumibot ang aking labi nang inis na inayos ni Lena ang aking ulo.
"Wait lang ha... Mamaya ka na magtanong kasi hindi ko pa naaayos ang buhok mo, gaga ka. Let's just call them later, okay?"
Ngumuso ako. "Opo, Mommy Lena.."
Napairap ang bruha dahil sa aking panunudyo.
Sunod na inasikaso ni Lena ang kaniyang sarili nang matapos ako. Naupo ako sa tabi ni Dolores na wala ang atensiyon sa akin. Abala ito sa pagtipa sa kaniyang cellphone kaya't nakuryuso ako.
"Uy! Sino 'yan?"
Dumukwang ako ngunit agad iniwas ng bruha ang hawak-hawak na cellphone kaya't wala akong nakita.
"Napaka-Marites mo, Alexis."
Napanguso ako. "Responsableng Marites kaya 'to."
Isang pagtikhim ang kumuha sa aming pansin.
Rumampa si Lena sa aming harapan at nagpa-ikot-ikot. "How do I look?"
"Wow.." I voiced out when I surveyed her form from head to toe.
She is wearing a dark embellished off-the-shoulder dress, so her flawless fair shoulders are in the view.
"Hanep, Lena! You look..." manghang pahayag ni Dolores. "...horrible."
Napasimangot si Lena. Inabot nito ang suot-suot na heels at ibinato kay Dolores.
Natawa ako nang hindi makailag ang bruha at tinamaan siya sa balikat. Umungot ito bago ibinato pabalik ang heels na agad namang nasalo ni Lena.
"Hindi pa ba kayo magpapalit? It's already six in the evening."
Nauna akong nagpalit at iniwan ang dalawang nagbabangayan. Hindi maka-move-on si Dolores sa tumamang takong sa kaniyang kanang balikat.
I wore my black tiered chiffon dress and paired it with black ankle strap heels. Pagbalik sa kuwarto ay hindi pa rin matapos-tapos ang kanilang giyera. Kung hindi pa namin siguro pinagtulungang hilahin si Dolores sa banyo ay hindi siya uusad.
When she steps out of the bathroom, she looks regal in her black lace sheath dress. Similar to the three of us, Hannah and Nely arrived clad in their black sequined cocktail dresses.
Si Michael ang nakatokang driver namin sa gabing ito. Bago makapasok sa sasakyan ay natawa ako. "Para tayong dadalo sa lamay nito."
Nakarating kami sa Bali National High School saktong pagpatak ng ala-siyete ng gabi.
"Take care, babe.."
Ilang hakbang mula sa sasakyan ay rinig namin ang naglalambing na boses ni Hannah. Hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ito ng passenger seat kahit na ilang minuto na ang lumilipas nang iparada ni Michael ang sasakyan dahil hindi matapos-tapos ang kanilang landian.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...