Heartbeat 21
"Tita Lexis.."
Napatingin ako sa katabi. Awtomatikong umarko ang aking mga labi nang mahagip ang namimintog na pisngi ng pamangkin. Mas lalo itong lumobo ngayong subo niya ang dalawang stick ng inihaw na hotdog.
"Bakit wala ka pang boyfriend?"
Agad nabura ang aking pagkakangisi.
Inosente ang pagkakatanong ng bata pero pakiramdam ko, ipinapamukha niya sa akin kung gaano ako ka-single sa tanang buhay ko.
"Ayaw ko lang."
Nagkibit-balikat ang bata sabay subo sa kaniyang pangatlong stick. Nang nakita niya akong nakatingin, inilahad niya ang isa pang stick. Inabot ko ito.
"Thanks, Baby Zia.."
Napanguso ang aking katabi. Ayaw kasi nitong tinatawag na baby kasi big girl na raw siya.
"You should have a boyfriend, Tita....para naman there is someone who's mag-aalaga sa'yo."
Nilunok ko ang kinakain at nagpasalamat na hindi nabulunan.
"Hindi ko naman kailangan ng taong mag-aalaga sa akin, Zia. I can take care of myself."
"Pero you'll be lonely kung wala kang kasama...walang maglalambing sa'yo or susuyo sa'yo kapag galit ka like si Daddy kay Mommy."
Pinaglapat ko ang mga labi at pinigilan ang sariling umirap. Hindi ko naman kailangan ng taong manunuyo sa akin. Ako na ang bahalang maglalambing sa sarili ko.
"I'm fine, Baby Zia. Besides, I'm not alone. Nandiyan ka kaya. Hindi mo naman iiwang mag-isa si Tita, right?"
"Okay, Tita Lexis. Ako muna ang maglalambing sa'yo hangga't wala ka pang boyfriend. Kawawa ka naman."
Nanggigigil na kinurot ko sa pisngi ang pamangkin. Akala mo kawalan ko kapag wala akong nobyo.
Inis siyang umiwas. Humalukipkip ang bata na tila hindi natutuwa sa akin.
"Stop na, Tita Lexis!"
Napahalakhak ako nang tumulis ang kaniyang nguso.
Siya namang paglabas ni Kuya Luke sa bahay upang samahan kami dito sa bakuran. It's New Year's Eve and we are doing some barbeque courtesy to Zia's request.
"What's wrong, princess?"
Zia pursed her lips more and pointed at me. "Si Tita Lexis po kasi...nananakit. Kulang kasi sa lambing at aruga."
Napaawang ang aking mga labi. Nagpabalik-balik ang akin tingin sa bata at sa kaniyang ama.
Grabe...mapanakit ang salitaan ng bata. Oo na. Single ako. Di kailangang ipamukha.
"Anong pinagtuturo mo dito sa anak mo, Kuya?"
"Nagsasabi lang ng totoo 'yung bata, Alexis."
Natawa siya ng umirap ako.
Ilang segundo ay sumulpot si Ate Lorelie kaya't natahimik kami. Lumabi ako nang itinuon ni Kuya Luke ang buong pansin sa pag-iihaw. Ang lakas mang-asar kanina pero tiklop naman pagdating sa asawa.
Nagkatinginan kami ni Ate kaya't napatindig ako. Tumikhim ako walang imik na tinungo ang kusina.
Ayoko ng gulo at New Year pa naman. Nagbabagong buhay na ako...sana 'yung bruhang kapatid ko rin.
"Alexis."
Bumaling ako kay Mama na siyang tumawag sa pangalan ko.
"Bakit po?"
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...