Heartbeat 4
A breath of relief escaped my lips the moment I uttered those words. Ang agam-agam na nais kong sabihin sa kaniya noong una pa lamang ay nabawasan.
"I have priorities, Andrei. I promised my parents that I'd prioritize my studies. Sinabi ko pa sa sarili ko na mag-bo-boyfriend lamang ako kapag tapos na ako sa pag-aaral."
"I don't understand. If you had that mindset, then why let me court you?"
Mababanaag ang kaunting pagkadismaya sa kaniyang mukha. Tipid akong ngumiti at hinawakan ang kaniyang kaliwang palad.
"I like you, Andrei. Pinayagan kitang manligaw kahit na salungat sa aking mga plano dahil gusto rin kita at ayaw kong mawala ka sa buhay ko," I confessed.
The frustration in his eyes subsided. Umawang ang kaniyang labi at mas lalong lumamlam ang kaniyang mga mata.
"You already know that I like you so much, miss."
He gently grabbed my right hand and placed it above his chest. My hand trembled when I felt his loud and rapid heartbeats.
"Can you feel it? It is speaking your name."
Napanguso ako sa ka-corny-han ng kaharap.
"This is not the right time for us, Andrei. Hindi pa kita masasagot dahil kailangan ko munang tapusin ang pag-aaral ko. Hindi man kita kayang gawing boyfriend ngayon ngunit ang tanging maipapangako ko ay magiging tapat ako sa'yo."
Gusto ko mang isantabi ang mga plano ko sa buhay, hindi ko naman makakayang saktan ang aking mga magulang. I already made promises to them and I'm not that heartless to go against my word.
"Can you wait for me? Kaya mo bang maghintay ng ilang taon?" I softly asked.
Unti-unting nanlabo ang aking paningin nang hindi umimik si Andrei. Alam ko namang napaka-impossible ng hinihingi ko sa kaniya dahil parang ikinukulong ko siya... ngunit hindi ko mapigilang umasa.
My heart jumped when he closed the distance between us. Inangat niya ang kaniyang kamay at marahang pinunasan ang mga luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata. I stared intently at his eyes, looking for the answers I wanted to hear.
My breathing hitched when he cupped my face with his hands. He brushed his lips on my forehead, then down to my cheeks, as if kissing my fears away. Pinakatitigan niya ako at ginawaran ng isang mabining ngiti.
"I'll wait for you, miss. I'll wait for us."
---
"Where have you been?"
Napayuko ako nang maramdaman ang seryosong paninitig ni Ma'am Miller.
"Nakipag-date po siya, ma'am!"
Mas lalo lamang akong napayuko dahil sa sinabi ni Lena. Pinanlakihan ko ng mga mata ang bruha na nakasilip sa aking gilid ngunit tanging ngisi ang kaniyang isinagot.
Hinintay ko ang nagbabadyang galit ni Ma'am Miller ngunit ang malakas niyang halakhak ang sumalubong sa akin. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa kalituhan.
"It's okay, Alexis, though it would be best if you had told me earlier," natatawa pa ring turan niya.
She glanced at my back. Alam kong natoon ang kaniyang pansin kay Andrei na nasa aking likuran. Bumalik ang kaniyang mga mata sa akin at tumikhim.
"Sana ay sinabi mo sa aking makikipag-date ka pala. It's fine. It's normal at your age. The only problem was that you should have asked permission because I am your school paper adviser in charge of your safety."
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...