Heartbeat 15

118 2 0
                                    

Heartbeat 15

"Ayoko."

Itinuon ko ang nanghahamong titig sa binata. I waited for him to crumble in front of me but he really is determined.

"I'm not asking for your permission. Liligawan pa rin kita, Alexis."

His words are firm, but I know in myself that I am more unshakable.

Umangat ang aking kanang kilay. Masungit kong pinadaan ang mga mata sa kaniyang kabuuan bago umiling. "Basted ka na."

He was not taken aback as if he expected my rejection. Hindi mababakasan ng anumang pagkabigla o pagkadismaya ang kaniyang mukha kaya't nagsisimula nang kumulo ang aking dugo.

Ngumisi siya bago umayos ng tayo. "Hindi ko tatanggapin 'yan."

Pinasadahan niya ng tingin ang kaniyang wristwatch. "I have to go. Bye for now, miss.." paalam niya nang muling bumaling sa akin.

Before I could even lash out, the jerk has already left. Inis lamang akong napasandal sa aking upuan.

Itinuloy ni Andrei ang kaniyang panliligaw sa sumunod na mga araw. Pinatunayan niya na hindi lamang kabulastugan ang kaniyang deklarasyon.

Napaangat ako ng tingin mula sa aking dinaraanan nang pigilan ako ng isang pares ng sapatos.

"Good morning, miss.." bati ng binata at tulad ng nagdaang mga araw, pulang rosas ang kaniyang pabaon sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata at tarantang inilibot ang tingin sa paligid. There are no students on the premises so I huffed in relief. My decision to time in early seems to be a good idea dahil paniguradong ako ang magiging laman ng chismis kapag may nakaalam na nililigawan ako ni Sir Andrei Teseryo.

Pinaglapat ko ang mga labi. Mabilis ko siyang nilagpasan at tinungo ang opisina. Hindi na ako nabigla nang sunod siyang pumasok. Inilapag niya ang bulaklak sa ibabaw ng aking mesa. Katabi nito ang mga rosas na ibinigay niya rin kahapon.

"How's your sleep, miss?" tanong niya nang mailagay ko ang aking bag sa upuan.

I kept ignoring him when I stood and went near the cabinet. Ngayong araw ay kailangan kong asikasuhin ang listahan ng mga grade seven students na babakunahan ng Municipal Health Office. I busied myself looking for the draft list I prepared last week. Nang mahanap, bumaling ako sa kanan upang hagilapin naman ang mga consent form na pinirmahan ng mga magulang.

Pagharap ko ay nanigas ako sa aking puwesto. Andrei is so near that my heart skipped a beat. Ikinulong niya ako gamit ang kaniyang mga braso, kaya naman hindi ko mapigilang mapalunok sa distansiya naming dalawa. He leaned closer, only to stop when our faces are only an inch away.

"A-Andrei, what are you doing?" kinakabahang usal ko.

Ngumisi siya. Mas lalo siyang humilig kaya't napasandal ako sa cabinet.

"Kailangan ko lang palang gawin ito bago mo ako kausapin," he teased. Nagkibit-balikat siya at malokong napanguso. "That's okay for me, miss. This position is very okay for me."

Inis ko siyang itinulak dahil sa pagtaas-baba ng kaniyang kanang kilay. He stood in front of me like a rock. I pushed him on his chest for a couple of times, but to no avail, I failed with all my attempts.

"Lumayo ka nga sa akin," ungot ko at muling kumawala.

Napasinghap ako nang masagi ng kaniyang kanang braso ang aking kaliwang dibdib. He also felt what happened because when I darted my sharp gaze to him, his eyes are wide.

"Bastos!" asik ko at muling kumalag.

Mas lalo ako nagpapasag nang pumalibot ang kaniyang matitipunong mga braso sa aking bewang. Hinuli niya ang mga nakaangat kong braso at inipit sa aking likuran. Idiniin niya ako sa cabinet kaya't alam kong wala na akong kawala.

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon