Heartbeat 14

106 2 0
                                    

Heartbeat 14

Inayos ko ang pagkakatupi ng kuwelyo ng aking puting blusa at pinasadahan ng huling tingin ang repleksiyon sa salamin. Pagbaba sa sala, naabutan ko si Papa na abala sa paghigop sa kaniyang kape.

"Aalis na po ako," pagkuha ko sa kaniyang pansin.

Mula sa pagnamnam sa kapeng barako ay umangat ang kaniyang ulo. Idinirekta niya sa akin ang seryosong mga mata.

"Pagbutihin mo ang trabaho mo, Alexis. Aba'y isang buwan ka ring natengga."

I pressed my lips together and nodded. I did my usual routine of giving in to his unfiltered words.

Palabas na ako ng bahay nang tawagin ako ni Mama. Mula sa hamba ng kusina, mainit na ngiti ang ipinaabot niya sa akin.

"Ingatan mo ang sarili mo, anak."

Ngumiti ako pabalik at tumango. "Opo, 'Ma."

Hindi kalayuan ang Bali National High School mula sa bahay kaya't wala pang dalawampung minuto ay nakarating na ako. Sa tarangkahan ay agad umatake ang mga ala-ala. Humimpil ako at pinagmasdan ang kabuuan ng dating paaralan. Nang mahusto, pumasok ako at dumiretso sa principal's office.

Sa daan ay kababakasan ng pagbabago ang paaralan. Three buildings are newly built on the east side, and the once open space at the heart of the school is now converted into a gymnasium.

Ma'am Alma Miller, my former teacher in senior high school, welcomed me when I arrived at the office as she is the current school principal of BNHS.

"Good morning, ma'am.." my greeting while taking the seat adjacent to hers.

Mabini ang kaniyang ngiti sa labi habang pinapadaan ang mga mata sa aking kabuuan. "Good morning, Miss Salvatore. It's so fulfilling to know that one of my best student is now a careered woman—a professional."

I mirrored her smile. "It's all thanks to you, ma'am."

Maraming kuwento si Ma'am Miller kaya't hindi na namin namalayan ang oras. Saka lamang ako pinakawalan ni ma'am nang magsimulang mapuno ang opisina. Nang makumpleto ang lahat ng mga faculty members, tumayo si Ma'am Miller at pormal akong ipinakilala.

"Good morning, everyone. We are all gathered here to welcome our newly-hired school nurse, Miss Alexis Hermoine Salvatore. She is not new to this school because she is one of our alumni."

Most of the faculty members are comprised of my former teachers back in highschool. Hindi ako nahirapang makihalubilo sa kanila sapagkat naaalala pa rin nila ako. Aabot naman sa sampu ang bagong mga mukha na naidagdag sa administrasyon ng BNHS at kabilang na rito ang taong hindi ko akalaing tatahakin ang landas ng pagtuturo.

"Hi, Ma'am Alexis."

The man gave me his goofy grin. Napangisi ako nang maglapat ang aming mga palad. "Hello, Sir Kenneth. Long time no see."

"Indeed, it has been a long time..." he hanged. Napalabi siya at tila nahihiyang napayuko. "Sana hindi mo na naaalala ang mga kalokohan ko noon."

Pinaglapat ko ang mga labi upang pigilin ang pag-alpas ng isang halakhak. I pursed my lips in amusement because of the ounce of embarrassment I detected from him. Ang kilala kong pinsan ni Lena noon ay malaki ang ulo at masyadong bilib sa sarili, ibang-iba sa Kenneth na kaharap ko ngayon.

Naantala ang aking komento nang may pumagitna sa aming dalawa. Tumikhim ang lalaki at tinakpan si Sir Kenneth gamit ang kaniyang malapad na balikat.

"Hello, Miss Alexis."

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon