Heartbeat 5

123 3 0
                                    

Heartbeat 5

Naiinip na pinagmasdan ko ang aking cellphone. Limang minuto yata akong nakatunganga hanggang sa dumating ang hinihintay kong mensahe mula kay Lena.

Bes Lena: Malapit na kami.

Muli kong pinagmasdan ang itim na box sa aking harapan. Maliit ito at nakatali paikot ang isang puting laso. Nang marinig ang malakas na boses ni Dolores, ginagap ko ito at ipinasok sa sling bag.

Dumiretso ako sa kusina at hinanap si Mama. Abala ito sa paghahati ng mga saba para sa gagawin niyang turon.

"Aalis na po ako, 'Ma.."

Lumingon siya sa akin at mariing pinagmasdan ang aking porma.

"Saan ka pupunta? May date ka ba?"

Tahimik akong napalunok sa pagsasalubong ng kaniyang mga kilay.

"W-Wala, 'Ma. May lakad lang po ang barkada. Dadalo po ng graduation ceremony ng kakilala," I explained, partly telling the precise details.

Ang pagkakakunot ng noo ni Mama ay unti-unting naunat. Tumango siya at tipid na ngumiti.

"Mag-iingat ka, Alexis."

Sinalubong ako ng mga kaibigan paglabas ng bahay. Ang unang nakapansin sa akin ay si Lena na agad-agad rumatsada.

"Andiyan na ang malanding bruha!"

Napairap ako.

"Puwede bang hindi na lang kami sumama, Alexis?" tanong ni Hannah habang humihikab.

"Oo nga't dinamay mo pa kami. Anong mapapala namin kapag pumunta kami sa graduation ceremony ni Andrei?"

Muli akong napairap sa pagrereklamo ni Nely.

"Need ko ng moral support ninyo, ano ba.. Minsan lang 'to. Samahan niyo na ako."

Wala nang nagawa ang mga bruha kundi ang sumunod sa akin nang pumasok ako sa pinarang jeep.

"Para sa paglalandi ni Alexis!" hiyaw ni Dolores nang makaupo na ang grupo.

Hiyang-hiya akong napayuko dahil napatingin sa amin ang mga tao sa loob ng jeep.

We made our way to Linavio National High School. Pagpasok sa school ay nagtanong pa kami sa guard kung saan ang venue ng graduation.

"Ang ganda naman dito.." rinig kong papuri ni Dolores.

Palipat-lipat ang aking tingin habang hinahanap ang gymnasium. Pagbaling sa kaliwa ay agad akong natigilan. Namula ang aking mukha nang mabanaag ang function hall.

"Anong meron? Dito na ba?"

Umiling ako kay Hannah at nagpatuloy sa paglalakad. Ilang metro mula sa function hall ay nabungaran namin ang venue.

"Alam ba niyang darating ka?" tanong ni Lena nang makapasok sa gymnasium.

Pinaglapat ko ang mga labi bago umiling. "I'm planning to surprise him."

Nahagip nila ang hiya sa timbre ng boses ko kaya't natawa ang mga bruha.

Andrei did not know that I would attend his graduation rites because I told him last night on our video chat that I would be busy preparing for our graduation.

Abala ang aking mga kasama sa paglilibot ng tingin sa kabuuan ng gymnasium habang ako ay nakatoon sa hanay ng mga graduates na naghahanda na para sa processional. Nang mahagip ng aking paningin ang hinahanap, saglit akong nagtago sa likuran ni Dolores.

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon