Heartbeat 22
I rejected him, so it is only fitting for him to treat me with his cold shoulder. Naiintindihan ko na kailangan niyang umiwas kapag nagkakasalubong kami sa hallway...o ang hindi mamansin kapag nagsasabay kami sa canteen. We're back to being acquaintances, one who is civil with each other.
"How did the Oral Health Education go?"
Napatingin ako kay Ma'am Amy na siyang humila sa naglalayag kong isipan.
I smiled a little. "It was a successful project. I'm hoping na magtutuloy-tuloy ito, and next school year, sana magkaroon naman tayo ng Mental Health Education para sa mga bata."
She took a sip from her tumbler before nodding. "Sana nga. Lalo ngayon na vulnerable ang kabataan sa isyu ng depresyon, stress at anxiety."
"I'm also looking forward to inviting—"
My response hanged for a moment when a person entered the H.E. Room. Humigpit ang aking pagkakahawak sa kutsara't tinidor nang mamukhaan ang kapapasok lang.
Nagkatinginan kami. Tumikhim ako at naunang umiwas ng tingin.
"Kain tayo, sir!" maligalig na aya ng aking katabi habang nanatiling tikom ang aking bibig.
Kiming ngiti at tango lamang ang sagot ni Andrei bago ako pinasadahan ng tingin. "Sa office na ako kakain. I'll just borrow an extra plate."
Alam ko kung para kanino 'yun...para sa babaeng tatlong araw nang itinuturing na pasyalan ang BNHS.
Umalis si Andrei na hindi na ulit ako tinatapunan ng tingin. Alam ko dahil kanina pa nakasunod sa kaniya ang aking mga mata.
"Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y...patingin-tingin sa akin."
Nakuha ng sintunadong boses ni Ma'am Amy ang aking pansin. Tumaas-baba ang kaniyang kilay na tila natutuwang asarin ako.
Ilang minuto matapos makaalis ang lalaki, tumayo na rin ako.
"Saan ka pupunta, miss? Susundan mo si Sir Andrei?"
Hindi ko na pinatulan ang kanyang malisyosong ngisi.
"Sandali lang ako. I'll just buy bottled water."
My immediate steps came to a halt when I saw her again, the second time on this day. Lumapit ako at tumabi sa babae. Among everyone here, she stands out because her hair color is red.
"Anong sa'yo, ma'am?" magiliw na tanong ng tindera.
"Isang mineral water lang po," sagot ko at iniabot ang bayad.
Nagkatinginan kami ng babaeng katabi. "Alexis.." mahinang wika niya ngunit umabot pa rin sa aking pandinig. Tikom ang mga labing tinanguan ko siya.
Ang aming tinginan ay naputol nang may tumawag sa kaniya. Kapwa kami bumaling sa lalaking hindi ata ako napansin dahil ang buong pansin ay nakatuon kay Jinny.
"Tapos ka na? Come on, kakain na tayo."
"Wa-Wait lang.." Jinny stuttered before glancing at me. "Hinihintay ko pa ang sukli ko."
Andrei followed her gaze, and our eyes met once again. Hindi mababakasan ng anumang emosyon ang kaniyang mukha na kinasanayan ko na dahil halos isang linggong iyon ang aking nakikita.
I quietly averted my gaze and felt relieved when the seller handed Jinny's change. My eyes darted on the bottled water she is holding. Dalawa iyon kaya ibinigay niya ang isa sa binata. Saglit siyang lumingon sa akin at ngumisi.
"Aalis na kami," paalam niya bago kumapit sa braso ni Andrei.
Jeanne Kaziel is so good at pissing me off. Even though my hatred for her goes beyond the moon, I will not let my feelings spill because I know it satisfies her to see me pissed off.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...