Heartbeat 19

93 1 0
                                    

Heartbeat 19

"Ipinagtulakan mo ako palayo...kaya bakit, Andrei?"

"I'm sorry."

The inner conflict is evident in his two orbs. Tila hindi niya malaman ang gagawin kung hahawakan ba ako o didistansiya sa akin.

Nauna akong umalis sa dance floor dahil pinagtitinginan kaming dalawa. Bago pa man ako makabalik sa aming mesa, hinila ako ni Andrei palayo sa mga tao. Napadpad kami sa school garden na ilang dipa ang layo mula sa quadrangle.

When he stopped, I struggled to get out of his grip. "Bitaw," matigas na usal ko nang hindi siya natinag.

"Hear me out first, miss.."

Hindi ako umimik. Sa kadilimang bumabalot sa amin, ramdam ko ang paggapang ng lamig ng gabi. Kinuha ni Andrei ang katahimikan upang magpaliwanag.

"I'm sorry for not treating you right when you needed me the most. Sorry dahil nagpadaig ako sa takot...sa galit. Days after you ended what we have on that afternoon at the beach, nagalit ako sa'yo...kasi napakadali para sa'yong bumitaw. When you chased me, you don't know how much I stopped myself from giving in to you. As much as I want to go back to you, pinaalala ko sa sarili ko na wala rin lang magbabago. You still value your priorities at that time, and I believed that it wouldn't be long 'til you discard me again."

Mahaba-haba. His explanation is lengthy, but it is also eight-long years late. Tumaas-baba ng bukol sa kaniyang lalamunan. Saglit siyang tumingala na tila ba may pinipigilan.

"Dapat nilabanan ko ang takot na sa huli ay ako pa rin ang maiiwang talunan. Dapat naging matapang ako para sa ating dalawa. Hindi ko dapat pinigilan ang sarili para hindi na kita nasaktan ng sobra-sobra. Dapat niyakap kita 'nung araw na lumuhod ka sa harapan ko. Hindi dapat kita ipinagtabuyan...at hindi ko dapat hinalikan si Jinny."

Hirap na hirap siya sa paglunok. Nang tamaan ng ilaw ang kaniyang mukha, kumislap ang kaniyang mga mata.

"Hanggang ngayon ay nagsisisi ako, Alexis. Mahal kita pero pinili kong saktan ka...ang durugin ka ng harap-harapan. I'm sorry, miss. Truly, I am..."

We both stared at each other. Nangatal ang naka-awang kong mga labi dahil sa ginagawa niya ay bumabalik sa akin ang sakit. I wanted to tell him to stop but I couldn't seem to find my voice.

His eyes reminded me of how much I loved him...and how much it tore me apart when he locked lips with Jinny to prove how much he wanted me out of his life.

"So when you stopped and left, ako naman ang naghabol. Hindi mo nga lang alam. Nahiya ako eh...I was the one who pushed you away, tapos ako pa ang may ganang magpakita sa'yo."

He smiled sadly. Pinadaan niya ang mga mata sa kabuuan ng aking mukha, na tila ba minimemorya ang bawat anggulo.

"I contented myself with seeing you from afar, miss. Lumapit ako sa mga kaibigan mo kahit na alam kong galit sila sa akin para naman kahit wala ka na sa tabi ko, pakiramdam ko ay abot pa rin kita."

Tuluyang nahulog ang isang butil ng luha at gumulong ito sa kaniyang kanang pisngi ngunit hindi siya nag-abalang punasan ito.

"It stayed like that for years, but when I heard that we'd be working together, I couldn't put a leash on myself anymore. Hindi ko na kayang magtiis at mag-antay. I mustered all my courage, and now, here we are..."

He held my gaze, and the way he stared at me made the hairs on my nape rose.

It's so raw...and delicate.

"I love you, Alexis...back when I was eighteen and you were seventeen up 'til now that I'm twenty-seven and you are twenty-six."

Naramdaman ko ang mga daliri ng binata sa aking kaliwang pisngi. Pinunasan niya ang mga luhang hindi ko man lang napansing tumulo na pala.

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon