Heartbeat 11
"Aren't you going to eat?"
Pinukaw ni Lena ang aking naglalayag na isipan.
I forced a smile when I faced her. "Ah.. Oo naman. L-Let's go," aya ko.
Lumapit kami sa mesang nakalaan para sa aming mga bridesmaids at groomsmen. Punong-puno ng mga tao ang aming malawak na backyard para sa wedding reception.
"Hi!" Kenneth, one of the groomsmen and Lena's cousin, greeted me.
A small smile appeared on my lips. "Hello."
Maligalig na pinansin ni Lena ang kaniyang pinsan. "Oy Kenneth, hinay-hinay naman sa pagkain. Napaghahalataan kang buraot ka!"
Napatigil sa pagsubo ang lalaki at pabirong piningot sa ilong ang pinsan. Napaungot si Lena nang mabahiran ng sarsa mula sa menudo ang kaniyang ilong.
"Hindi ka na nagbago, Kenneth! Ang dugyot mo pa rin."
Lena struggled to wipe off the sauce. Ngumisi si Kenneth.
"Basta guwapo pa rin!" he proudly self-proclaimed.
Napairap ako sa kaniyang kayabangan. He is indeed good-looking with his thick wavy black hair already reaching his expressive dark brown eyes, but his egoistic appeal is making me cringe. Men with big heads are not my cup of tea.
Matapos ang kainan, itinuloy ang sayawan at kantahan. Some also gave their wishes and couple of advices to the newlywed. Nang gumabi, inilabas ang mga alcoholic drinks para sa mga bisita.
Kinuntento ko na lamang ang sarili sa pag-inom ng wine kasama si Lena. We need to be sober dahil tutulong pa kami sa pagliligpit mamaya. However, ang katabi naming si Kenneth ay hindi magkamayaw sa pag-inom ng Jack Daniels na tila ba wala ng bukas.
A saxophone cover of George Michael's Careless Whisper played through the speaker. Nakuha ni Kenneth ang aming pansin nang tumayo ito at magsimulang gumiling. Napahagalpak ako sa tawa nang lumapit ito kay Lena at pilit pinaalon ang kaniyang katawan kasabay ng sensuwal na pagpikit ng kaniyang mga mata.
"Tama na nga 'yan! Nakakahiya ka, Kenneth."
Tumayo ang aking kaibigan at itinulak paupo ang kaniyang pinsan, ngunit masyadong malakas ang binata. Patuloy pa rin ito sa pagsayaw hanggang sa lumapit siya sa akin.
Iginiling niya ang kaniyang bewang habang pamaya-maya ang pagkagat niya sa kaniyang ibabang labi para sana akitin ako ngunit wala siyang epekto sa akin. Mas namamayani ang hindi mabilang kong tawa sa tuwing nakikita siyang trying hard sa paggiling.
Tumigil sa pagsasayaw si Kenneth. "Wooh... I'm so hot," pahayag niya na siyang nagpaikot sa aking mga mata.
Muling tumungga ang binata ng isang baso ng alak.
"Oy tama na 'yan."
Inagaw ko ang baso sa kaniya nang tangkain niyang uminom muli. Tumingin ako kay Lena. "Iakyat na natin 'tong pinsan mo, gaga."
She nodded. "Kalimutan mo na lang na pinsan ko ang isang 'to.."
Natawa ako sa pagtatakwil niya kay Kenneth.
We both carried Kenneth away from the reception. Umangal pa ito, pero wala na siyang nagawa nang hatakin namin siyang magkasama. Dadalhin sana namin siya sa bakanteng kuwarto sa second floor pero may tumawag kay Lena kaya't napatigil kami sa pagpasok sa bahay.
"Wait lang, bes. Tinatawag ako ni Kuya Luke. Can you bring him upstairs?"
Hindi na hinintay ni Lena ang aking sagot. She turned her back and left me with Kenneth.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...