His Heartbeat
"Oy Andrei! Sasama ka ba sa canteen?"
Hindi ko pinansin ang boses na iyon at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa position paper na ipinapagawa ng English teacher namin.
"Sandali, ilalagay ko lang 'yong title," sagot ko nang matapos ko ang conclusion.
Nakakunot-noo si Michael nang maabutan ko sila ni Cleyton sa labas ng aming klasrum. "Ang tagal mo! Gutom na ako!" reklamo niya.
Napailing ako. Kahit kailan talaga napaka-walang pasensiya ang taong 'to.
"Tara na," wika ni Cleyton na nauna nang naglakad papuntang school canteen.
Nadaanan namin ang quadrangle na punung-puno ng mga tao.
"Anong nangyayari?" tanong ko kay Cleyton nang napatigil kami.
"May competition ngayon. District level ata," kibit-balikat niya kaya naman napatango na lamang ako.
"Buwiset! Gutom na ako!" reklamo naman ni Michael sa aking tabi na abala sa paghahanap ng malulusutang daanan.
"Makipagsiksikan na lang tayo," suhestiyon ko.
Inip na sumingit si Michael sa kumpol ng mga tao na sinundan ni Cleyton. Hahakbang na rin sana ako ngunit napatigil ako nang may pumuwesto sa aking harapan.
"You!" wika ng babae sa malakas at may diing tinig.
"Me?" napatanong ako sa kalituan.
"Yes, you!" sagot niya sabay duro sa akin.
"Ano? Bakit?" lito kong tanong. Hindi siya sumagot bagkus ay ngumisi lamang siya pabalik.
I was grounded from where I'm standing. Mapaglaro ang pagkakaarko ng kaniyang mga labi maging ang kinang sa kaniyang mga mata.
"You are an agent of change! As a youth, you can make a difference!"
Napaawang ang aking labi. Nang mahagip ang hawak-hawak niyang mikropono ay nahihiyang iniwas ko ang aking mukha. She's a contestant, for goodness' sake.
She gave me her playful grin before she turned her back and moved to the other side. "We can all do it if we will all start on ourselves!" she shouted in conviction while I stood there immobile.
Matapos ang kaniyang talumpati ay binalot ng malakas na palakpakan at hiyawan ang buong quadrangle. Mangha akong napatitig sa kaniya nang bumalik siya sa kaniyang puwesto sa stage at naupo sa tabi ng mga kasama niyang mananalumpati.
"Andrei!" rinig kong pagtawag sa akin. Napakamot ako ng ulo nang makita sina Michael sa kabilang dulo ng quadrangle.
Sumingit ako sa kumpol ng mga tao at humabol sa mga kaibigan. Muli akong lumingon sa stage at hinanap ang pigura ng babae.
Inis kong pinasadahan ng tingin ang mahabang pila ng mga estudyante.
"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Cleyton nang makita akong paalis sa canteen.
"Sa quadrangle," tipid kong tugon.
Nagmamadali akong bumalik sa aking puwesto habang kinakalkal ang biscuit na baon sa aking bulsa.
Pagkarating ay nagtatalumpati na ang huling contestant. Muli kong pinasadahan ng tingin ang stage at pasimpleng sinulyapan ang babae. Nakangiti ito habang kausap ang katabi niyang lalaki.
Saglit akong umiwas ng tingin para tingnan ang nagsasalita bago muling ibinalik ang tingin sa babae. Nang magtama ang aming mga mata ay taranta akong napaiwas ng tingin at napayuko.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...