Heartbeat 20

121 1 0
                                    

Heartbeat 20

If there were someone I was looking forward to seeing this Christmas Eve, it would be Zia.

Sa pagdating nina Ate Lorelie at Kuya Luke, kasama ko ang mga magulang na nakaabang sa pintuan. Pagpasok nila ay napangisi ako. The seven-year old Zia looked so regal in her red dress. Bago ko pa man mapanggigilan ang pamangkin, nasalubong ko ang mga mata ng kapatid. Katulad ng dati, masungit pa rin ang pagmumukha nito.

Magiliw akong lumapit sa bata at kinintalan ng marahang halik sa kaniyang pisngi. "Hi! How have you been, dear?"

She smiled cutely. "I'm okay po, Tita Lexis."

Mas lalong lumawak ang aking pagkakangisi nang marinig ang pagtawag niya sa aking pangalan.

"Ang ganda-ganda mo na...parang si Tita lang!"

Kinindatan ko si Zia kaya't natawa siya. Nang-iinis namang napaubo si Kuya Luke na akala mo napakahirap lunukin iyon.

Totoo kaya. Maganda kami ni Zia, puwera na lang sa nanay niyang laging nakasimangot kaya't ang lala ng mukha.

"Ang prinsesa ko lang ang maganda, Alexis. Huwag kang feelingera!"

Napanguso ako sabay sumbong. "Zia oh, inaaway ako.."

Hinarap ng bata ang kaniyang ama na tila papagalitan ito. "Stop that, Daddy! Maganda kami pareho ni Tita Lexis."

Napaangat ang dalawang kamay ni Kuya na tila sumusuko. Labag sa loob itong sumang-ayon.

Ate Lorelie cleared her throat, interrupting our happy hour.

Sina Mama at Papa ang sunod na umokupa sa atensiyon ni Zia. Parehong nakangiti ang dalawa habang kinakausap ang apo kaya't may mainit na bagay na humaplos sa aking puso. I'm happy that regardless of what had happened in the past, they had accepted, loved, and cherished Zia more than anything in this world.

"Do you want some cake?" tanong ni Mama kay Zia at mabilis na tumango ang bata. Magkahawak-kamay silang dumiretso sa kusina kasama si Papa.

Susunod na rin sana ako ngunit napahinto ako nang magsalita si Ate Lorelie, nanunuya, tulad ng kinagawian.

"Pati ba naman asawa't anak ko, Alexis, aahasin mo?"

Laglag ang aking panga. "What?"

Iba talaga. The way her mind works is unbelievable.

Imbes na ako ang sagutin, kay Kuya Luke siya bumaling. "...and you, why are you flirting with my sister?"

I laughed with evident sarcasm. "Really, Ate? Napakarumi ng pag-iisip mo!"

Tumikhim si Kuya Luke. "We are doing nothing, babe."

Bago pa makalapit si Kuya sa kaniyang asawa ay dumistansiya na si Ate.

"Alam ko ang nakita ko. Sabagay, what can I expect from the both of you? Isang manloloko at isang mang-aagaw!"

Siguro ay nasanay na ako sa maaanghang niyang mga salita kaya't hindi ako apektado ngayon. Something bothered me though...tinawag niyang manloloko ang kaniyang asawa.

"Huwag ka ngang mag-eskandalo rito, Ate. Wala akong ginagawang masama. Masyado lang talagang marumi ang pag-iisip mo!"

"Nagawa mo ngang agawin sina Mama at Papa, ang asawa ko pa kaya?"

Napairap ako sa pagmamatigas ng kapatid. Like duh? I never see Kuya Luke in a romantic light because I only see him as an older brother. Kapatid kaya siya ni Lena!

Sunod niyang idinuro ang asawa. "..at ikaw naman, idadagdag mo pa talaga ang kapatid ko sa mahabang listahan ng mga babae mo!"

Tila napigtas ang huling pisi ng pagtitimpi ni Kuya Luke sa marahas niyang pagbuga ng hininga. "Leave Alexis alone! Huwag mo siyang idamay sa problema nating dalawa."

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon