Heartbeat 1

292 8 0
                                    

Heartbeat 1

Baling sa kaliwa. Iunat ang mga paa. Mamaluktot. Baling naman sa kanan.

Hindi ko alam pero hindi ako makatulog ng mahimbing. Bumangon ako sa kama at iniunat ang mga braso. Tumingala ako at pinagmasdan ang kisame, pilit pinapakalma ang sarili.

I can hear my heart thumping in the rhythm of tension and fear.

Earlier, my Oral Communication teacher coached me for the District Extemporaneous Speech to be held tomorrow. I poured my effort into preparing for that event—researched ideas, organized my thoughts, and learned the best way to deliver them. But still, I can't help but feel nervous and anxious about the upcoming competition.

Dinadaga ako sa kaba kaya naman pamaya-maya akong bumabangon mula sa pagkakatulog. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog. All I can remember was the pressure that greeted me early in the morning.

"Alexis, magprepare ka na."

Tumango lamang ako kay Ma'am Alma Miller, ang aking coach. I went to the girls' comfort room and changed my school uniform into something presentable and formal.

Nagsuot ako ng puting long-sleeved na polo at itinuck-in ito sa aking itim na slacks. Pinarisan ko ito ng itim na 3-inches heeled stilletos na siyang mas nagpatingkad sa aking porma.

Iniayos ko rin ang aking buhok sa isang maayos na bun at marahang nag-retouch ng pressed powder. Pormal na pormal ang aking hitsura nang makita ang repleksiyon sa salamin.

I tried to hide the gnawing tension consuming my insides by walking inside the venue with composure and confidence. Our school, Bali National High School, will be hosting the event kaya naman mas nakakapressure sa aking banda. I need to win and become the champion because we are the host school.

Kapansin-pansin ang tunog na ginagawa ng aking sapatos kapag tumatama ang heels nito sa marmol na sahig ng auditory room na siyang magsisilbing venue. Inignora ko ang mga paninitig ng mga taong aking nadaraanan. Lumapit ako sa puwesto ni Ma'am Miller at naupo malapit sa kaniyang tabi.

Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa kaba at inilibot ang tingin sa kabuuan ng venue. Unti-unting napupuno ang mga upuan na karamihan ay higher years and senior high students ang umokupa.

Tipid akong napangiti nang mapansin ang banda ng aking mga kamag-aral. I am a grade twelve student and I am chosen to represent our school in this event.

Noon pa man ay lagi na akong isinasabak sa mga competition na tulad nito. It started when I was in grade nine where I joined Dagliang Talumpati. Hindi ko alam pero lagi akong hindi pinapalad na manalo at makapasok sa Division level.

I placed second the first time I competed and third in grade ten. Tumigil lamang noong grade eleven na ako ngunit natuloy ngayong huling taon ko na sa high school. So I guess this is my last shot then.

Wala pang limang minuto sa pagkakaupo ay lumapit na ako sa aking mga kaklase. My hunch was right when I saw the faces of my friends. Bago pa makarating sa kanilang puwesto ay inulan na nila ako ng pangangantiyaw.

"Aba, kagalang-galang si Madam Alexis Hermione Salvatore!" unang birada ni Lena nang mapagmasdan ako kaya't natawa ang buong grupo.

Napanguso ako na sinundan ng mabilis na pag-irap. Mas lalo lamang silang natawa.

"Kinakabahan ako," I interrupted their teases.

Napawi ang tawanan at unti-unti silang nagseryoso.

Lumapit si Lena at pinisil ang aking magkabilang balikat. "Huwag kang mag-alala. Kaya mo yan!"

Napangiwi ako nang bahagyang masaktan.

Speaking HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon