Heartbeat 8
"I'll have two-piece chicken, please. Padagdag na rin ng fries and sundae."
Ibinigay ko kay Hannah ang dalawang-daang pisong papel habang nakatoon ang pansin sa hawak-hawak na cellphone. Nasa McDonald's ngayon ang barkada para sa aming brunch bago mag-iikot-ikot mamaya.
I checked my messenger app, and there is no new message from Andrei. Pabagsak kong ibinaba ang aking cellphone at naiinis na umirap sa kawalan.
It has been three days without Andrei. No messages. No calls. No visits. He had not shown his face for three freaking days, and I was worried.
"What's with that face, gaga?" tanong ni Lena na siyang pumukaw sa aking pansin.
Natoon sa akin ang mga mata ng aking mga kaibigan. Alam nilang may problema kaya't tahimik silang naghintay sa sasabihin ko.
"Ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Andrei.." panimula ko kasabay nang pagdating ni Hannah.
Inilapag niya sa mesa ang order naming pagkain at sumabat sa usapan. "Baka busy lang?"
Nagkibit-balikat ako at umiling. "I don't think so. Dati naman, kahit gaano siya ka-busy ay hindi niya nalilimutang mag-chat or mag-message sa akin. It's just so unusual for him not to contact me for three straight days."
Nagkatinginan kaming lima.
"Kain na lang muna tayo," yakag ni Nely kaya't kahit papaano ay nawala ang tensiyon.
"Why don't you try to visit him sa bahay nila, Alexis?" tanong ni Dolores sa kalagitnaan n gaming brunch.
Saglit akong natigilan sa narinig. Ibinaba ko ang mga kubyertos at binalingan si Dolores. I was hesitant at first, ngunit nang mapagtantong makakatulong ito sa pagpapakalma sa aking mga pangamba ay hindi na ako nagpapigil.
I nodded. "I'll visit him later."
Napaling kay Lena ang aming tingin nang tumikhim ito.
"I don't think that will be needed," seryosong saad niya.
Lito ko siyang hinarap. "What do you mean?"
"Look."
Inginuso niya ang mesang ilang dipa lamang ang layo mula sa amin. Nakilala ko ang lalaking nakaupo roon. Nakangiti ito habang kausap ang bulto ng isang babae.
Shoulder-length dark brown hair and a morena.. She had almond-shaped eyes, a small pointy nose, and full pinkish lips. From those attributes, I could tell that the girl is definitely a beauty.
Nanikip ang aking dibdib nang marinig ang malutong na tawanan ng dalawa. Humahampas ang babae sa braso ni Andrei na pilit niyang iniiwasan.
Is this the reason why he did not contact me for three days... because of this girl?
Naningkit ang aking mga mata at pilit itinago ang pait na nararamdaman. Pinatapang ko ang mukha at tumayo. Paalis na sana ako mula sa aming mesa nang may humawak sa aking braso.
"Anong gagawin mo?" si Hannah.
Napakuyom ako. "I'll confront him. I'm not a damsel in distress to just run and cry if I saw my man with another girl," wika ko sa matigas na tono ng boses.
Nabitawan ni Hannah ang pagkakahawak sa aking kamay.
Bago ko sila iwan ay nagpahabol si Lena. "Just.. Just listen to his explanation, Alexis."
Ang lahat ng lakas ng loob ay biglang naglaho nang makalapit ako sa mesa nina Andrei. Dinadaga ang aking dibdib sa kaba at natatakot ako sa maaaring mangyari.
BINABASA MO ANG
Speaking Heartbeats
RomanceAlexis Salvatore has always been an achiever. An honor student, a campus journalist, a student leader, a competitive speaker, and a debater -- she is all of these. She is meticulous and rational, so when she fell in love, she wanted things to be wit...