39

2.3K 95 0
                                    

Sky pov

"Oh honey bat bumaba ka na? Di ba ang bilin ng doktor sayo na huwag ka maglikot likot halika nga Dito ako na dyan" ang Sabi ko sa kanya.

Binilin kase ng doktor na dapat habang buntis siya ay huwag siyang maglikot likot dahil Bawal sa kanya.
Hindi Naman sa maselan siyang magbuntis eh nag iingat lang kami baka kung paano Siya.

"Ah kase nababagot ako sa kwarto gusto ko kase na may ginagawa".

"Hayaan mo na lang ganito na lang mamasyal tayo mamaya para hindi ka mabagot at kakain tayo mamaya sa gusto mong kainan"

"Talaga! Honey thanks!" Sabi niya napangiti ako bago itinuloy ang kanyang ginagawa kanina.

"Oo, saka bibili rin tayo ng mga stocks dito sa bahay hindi na muna ako papasok mamaya dahil uunahin na muna kita,syempre lalo pa na buntis ka ayaw ko kayong pabayaan lang dito ng ating baby" at hinalikan siya sa kanyang nuo.

'ding 'dong

Yan ang narinig namin kaya nagkatinginan kami.

"May inaasahan ka bang bisita honey?"

"Wala?, Maya titignan ko lang babalik ako".

Kaya nagpunta ako at pinagbuksan iyon.

Bumungad sakin ang nakatalikod nitong pigura, Tayo niya palang Alam ko na kung sino siya.

"Anung ginagawa mo sa harap ng bahay namin? Hanggang Dito ba susundan mo Ko?"

Humarap siya sakin bago ngumiti.

"Gusto lang kitang makausap"

"Tungkol saan? Kung ang dating relasyon lang natin ang babangitin mo pwes nagsasayang ka lang ng oras Kaya makakaalis kana" at tinalikuran Siya.

"Sandali Sky!" Kaya napatigil at nanatili nakatalikod SA kanya.

"Hindi Yun ang ipinunta ko Dito I just want you to know na tanggap ko ng hindi na ako ang Mahal mo at gusto ko lang sabihin Sana na congrats SA inyo Yun lang" napaharap ako sa kanya.

Nakangiti Siya sakin at ramdam ko naman ang sinseridad sa kanyang sinabi.

"Ok fine-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng lumabas si Julian.

"Honey sino ba yan? Bat ang tagal mo inip na inip na ako" ang Sabi niya at lumapit sakin at ngumiti bago Siya napatingin saking kaharap at napansin naging balisa at kita ko Doon ang lungkot at takot saka siya bumaling sakin.

"Honey?" Akmang magsasalita ako ng sumabat itong si Marione.

"Hai Julian nice to meet you I'm Marione Cotillard Smith" bago Siya lumapit at nakipagbeso Kay Julian.

"H-hai?" Ang patanong na bati niya.
Napatingin Siya sakin at waring nagtatanong kung anung ginagawa Dito ng Ex girlfriend ko.

"Sorry if naistorbo ko kayo I just want to say na congrats I know may hindi kami napagkasunduan noon Ni Sky about saming relasyon but don't worry hindi ako manggugulo gusto ko lang kayong kamustahin,specially to you Julian, hindi ko akalain na dito ang una nating pagkikita and Tama nga si Sky Mahal na Mahal ka niya at mukhang ang saya saya ninyo".

Napangiti lang si Julian.

"Ah ganun ba? S-salamat"

"Sige na aalis na ko baka nakakaistorbo na ako SA inyo" tumango lang ako Pero pinigilan Ito Ni Julian.

"Wait lang Marione mamaya kana aalis total andito ka naman saka nakapagluto na rin kami ng aming pagkain sumalo ka na"

Ngumiti Siya bago nagdiretso na pumasok nakita ko pa ang pangisi niya at sinasabing "ang asawa Mo ang nag invite so shut up ka lang" parang ganun ang sinasabi ng klase ng kanyang tingin.

Nang makapasok Siya sa loob ay inalok agad Ni Julian nito ng maiinom.

Napansin kung nililibot niya ang kanyang tingin at napahinto Siya napatingin Naman ako sa kanyang tinitignan, ang litrato namin noong kinasal kami ng aking asawa at ang masasaya naming pagsasama.

"Yan ang litrato namin kuha ng ikinasal kami Ni Honey Tara na Marione umupo kana kain na Tayo" kita Ko Doon ang lungkot at para siyang nasaktan sa sinabi Ni Julian at hindi Naman nagtagal naging masaya ulit ang kanyang tingin.

"Ok!"

Habang kumakain kami ay tahimik lang, at mga kagamitan lang namin sa pagkain ang nag iingay.

"Honey kain ka pa bat ang konti Naman yata ng kinakain Mo hindi ba masarap yang luto Ko?" Napasimangot siya.

Agad Naman akong napailing bago sumubo ng sunod sunod.

"Look hindi ah? Masarap honey sa katunayan this is the best ever you cook at saka di ba tinulungan kitang magluto Kaya masarap!" Napangiti Naman Siya agad Kaya napangiti rin ako.

"How's sweet?" Agad Naman kami napatingin Kay Marione na Mariin na nakatingin samin.

"Thank you!" Ang agad na Sabi Ni Julian at ngumiti Dito.

"Ah honey I'm full na pwede na ba akong magpahinga? Kase para inaantok na kase ako?"

"Oh yes honey" at hinalikan Ko Siya sa nuo bago Siya umakyat sinundan Ko pa Ito ng tingin bago Ito pumasok at isinara ang pintuan ng aming kwarto.

Napabalik ako Kay Marione nakangiti Siya Pero Alam kong peke yun dahil hindi umabot sa kanyang mata.

"Ang sweet niyo naman para kayong hindi mapaghiwalay sa inyong kasweetan.

"Ofcourse I love him so much lalo na pa't magkakaanak na kami" natigilan Siya at kita Ko Doon ang gulat.

"You mean? H-he's pregnant!?"

"Yeah" ang kaswal kong Sabi sa kanya.

"How?"

"Hindi ba halata?malamang mabubuntis siya, sa araw araw ba Naman na may mangyari sa Amin sa tingin mo walang mabubuo? Saka natural lang dahil asawa ko Siya at kasal kami, kataka taka para sayo Pero ang Sabi ng doktor normal Yun para sa kanya dahil namana niya Ito sa pamilya niya and may female organ Siya, I'm happy both lalo na ako dahil sa wakas magkakababy na kami at magiging tatay na ako, this is miracle"

Napayuko Siya at kita Ko Doon ang sakit.

"Ah ok I gotta go may client pala akong kikitain sige na bye?" Bago siya kumaripas ng Tayo at nagmadaling umalis.

Nagkibit balikat lang ako.

"Anyare Doon?" Pinagsawalang bahala ko na lang at nagpunta sa kusina para iligpit iyon saka nagpunta sa aming kwarto at tinabihan ang aking asawa.











Marione pov

"Buwisit! Arggh! How? Bakit Siya buntis ngayon hindi dapat mangyari Ito!"

"W-what? Si Julian? He's pregnant!?"

Napatingin ako ng masama kay Ford.

"Oo!, Hindi ko Alam kung paano Pero ang Sabi Ni Sky baka dahil namana niya Ito at may female organ Siya, hindi ako naniwala agad Pero kita Ko Doon ang saya at sinscere sa pagkakasabi niya!".

"So Anu ng plano natin?" Napatingin ako sa kanya bago nagsalita ulit.

"Hindi ako susuko tuloy parin ang dating plano".

Napatango Siya bago kami umalis.











TBC....

Please vote comment share

Arranged Married (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon