31

2.6K 108 4
                                    

Sky pov

Sa opisina

Nakarating akong tadtad na naman ng mga papeles saking table.

Buti at may mga katulong akong nag aasikaso nito kapag wala ako dito o may pinuntahan.

Naabutan na kami ng lunch.

"Sky Tara na lunch na oh kain na Tayo sa labas!" Ang Sabi ng kasamahan ko.

"Oh sige!" Papatayo na ako ng Makita ko ang isang supot doon kinuha ko Yun at nilabas,nakita ko ang isang Tupperware doon na naglalaman ng mga ulam at kanin.

Ibabalik ko na Sana ng mag pop up sakin ang mukha ni Julian na malungkot Pero nakangiti sakin Pero hindi abot sa mata.

"Ano Sky! Tara na!" Napailing na lang ako.

"Ah sorry may pagkain na pala ako Dito!" Lumapit naman sakin itong si Tom katrabaho at sekretary ko Siya.

"Uy wow! Mukhang masarap yan ah! Sinong nagbigay sayo!" Ang Sabi niya sakin.

Natahimik ako sa sinabi saka ko Siya tinignan.

"Asawa ko" Sabi Ko sa kanya.
"Yun oh! Swerte Mo naman sa kanya, akalain mong binaonan ka pa niya ng lunch mo saka bihira lang ang mga ganyan asawa pare napakaswerte mo at tiyak kong maganda Yung misis mo" At umupo Siya at kinuha sakin ang baon ko at binuksan bago kinain.

"Wow pare! The best magluto ang misis mo, ang sarap naman nito penge pa!" At kukuha ulit ng ilayo ko na ang baon ko sa kanya.

"Tama na baka maubos mo saka baon ko Ito" Sabi ko sa kanya.

" Grabe ka Naman pare hihingi lang ulit saka di ko naman kakainin lahat, damot nito"

"Mag asawa ka na para may magluto rin sayo para hindi ka na lang lagi humihingi"
Napasimangot na lang Siya.

"Sino pala Yung misis mo pare saka sa tinagal nating nagkasama at nagkatrabaho di ko pa Alam kung sino yung asawa mo, pwede ko na siyang makilala?"

Napatingin ako sa kanya.

"No ayoko pare" napatayo Naman siya bago tumawa.

"Hahaha, di ko naman aagawin yung asawa mo saka gusto ko lang siyang makilala siguro ang Ganda at sexy ng asawa mo ano , kaya ayaw mong ilabas at ipasyal man lang dito sa opinisa Mo?"

"Hindi, hindi siya maganda o sexy at talagang ayaw ko siyang ipasyal o dalhin man dito, mapapahiya lang ako"
Nagtaka Naman Siya.
"Huh?, Pinagsasabi mo? Kung hindi maganda o sexy di mataba Siya at pangit ganun pare Kaya nahihiya Kang ipunta Siya Dito?"

Seyoso ko siyang tinignan at napaiwas ng tingin.

"Hindi rin"

"Eh ano? Ang gulo mong kausap pare sabihin mo nga Yung totoo?"

"Hindi Siya maganda o sexy at hindi rin pangit o mataba, Kaya lang"

"Kaya lang ano?"

"Lalaki Siya pare o mas magandang sabihing bakla Siya pare, bakla ang asawa ko ang napangasawa ko at ayokong idalhin Siya Dito dahil Alam kung mapapahiya lang ako dahil nga sa sitwasyon ko.
Na ang boss ng kompanyang Ito ay bakla ang napangasawa,malaking kahihiyan at katatawanan Yun lalo tungkol sa business Kaya wala dapat makaalam nito.
Ikaw lang pare ang pinagsabihan ko nito!" Ang mahaba kong lintanya sa kanya nakita ko pa siyang napatulala at di makapaniwala sa aking sinabi.

"So? Ibig sabihin?" Tumango ako SA kanya.

"Tch gago!" Ako Naman ang napatingin at nagulat sa kanyang sinabi."Ang gago Mo! Dahil lang Doon!?your impossible!? Ang swerte mo nga eh dahil asawa mo siya at pinagsisilbihan ka niya, dahil lang Doon na isa siyang bakla? At sa sinasabi ng iba at baka mapahiya ka? Pare asawa mo Yun, anung pakialam ng iba? Saka wala naman silang magagawa Doon saka ikaw naman ang nasa sitwasyon ikaw ang magdedesisyon kung magpapa apekto ka sa sinasabi ng iba.Sabihin mo nga sakin Mahal Mo ba Yung asawa Mo?"

"Hindi! Ayaw ko sa kanya at di Mo Yun maiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko!"
Napatawa Siya at napailing.

"Di mo Alam yang sinasabi mo pare Alam kong natatakot ka lang sa sinasabi ng iba, sa ngayon di Mo pa maintindihan Pero kawawa yung asawa Mo pare! Mahal ka niya? At nagpapakahirap siyang ipagluto at baonan ka niyang kinakain mo ngayon para lang mapasaya ka niya.
Sinasayang Mo lang ang kanyang effort para mahalin ka niya? Sana lang hindi ka konsensyahin ng mga ginagawa Mo sa kanya ngayon." Bago Siya umalis, saka napahilamos na lang ako saking mukha.
Napatingin pa ako sa aking mesa at nakita Ko Doon ang pagkaing inihanda niya.

Kinuha Ko Yun at kinain napakasarap niyang magluto at naapreciate ko Yun.

Napaisip ako sa sinabi nung si Tom.

Dapat bang pagbigyan ko ding mahalin Yung baklang Yun? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin niya ako? Tama bang mahalin Ko rin Siya at kalimutan ko na lang yung taong wala ng pag asang maging kami dahil may asawa Naman na ako?

Arrghh!! Ang gulo! Ewan Ko!

Umalis na lang ako at napagdesisyonang umalis na muna.

"Ser, saan po kayo pupunta may meeting pa po kayo Kay Mr.Dean ser!" Lumingon ako sa kanya.

"None of your business ! Cancel the meeting for now!"

"But ser!"

"I said cancel my meeting now! " At tumalikod saka nagpunta sa aking kotse at pinaharurot Ko Yun.

Ihinto Ko Yung kotse ko muna at pinakalma ang aking sarili.

Bago lumabas at diretso katok sa aming bahay.

Bumukas Naman Ito at bumungad sakin ang mukha ni Julian na nakangiti.

"Om Sky ang aga mo yata ngayon saka pagod ka ba halika baka kung mapano ka" saka niya ako dinala sa sala at pinunasan ang aking pawis sa likod.

"Teka lang kukuha lang ako ng iyong maiinom"

Aalis na Siya ng hinawakan Ko ang kanyang kamay.

Napalingon Naman Siya sakin.

"Bakit S-sky may problema ba? May kailangan ka pa ba?"

Nanatili Ko lang siyang tinitignan at ramdam kong naiilang Siya sakin titig.

"Mahal Mo ba talaga ako?" Ang tanong Ko SA kanya.

"Huh?" Ang tangi niyang sagot.

Napailing ako, " nevermind, magbihis ka ng maganda mamamasyal Tayo ngayon" ang Sabi Ko at kita Ko ang kanyang paglaki ng mata.

"T-talaga S-sky m-mamamasyal Tayo?"

"Paulit ulit? Yeah ayaw Mo nun?" Ang inis kong Turan.

Ngumiti Naman Siya.

"Syempre gusto nagulat lang ako saka first time kong mamamasyal kasama ka"

"Sige na magbihis ka na wag Kang magtatagal baka mainip ako at iwan kita"

"Sige" saka Siya ngumiti sakin.

Siguro dapat Tama na ang pagpapahirap sa kanya at kailangan rin na ipasyal ko Naman Siya.
Di Naman ako ganon na kasama para di Siya pagbigyan.

Saka wala Naman Mali sa gagawin Ko.




TBC...

A/N: nagiging mabait na si Sky Kay Julian ah.
Alamin pa ang mga susunod na eksena at papasok na rin sa buhay nila Si Marione.
Pero bago Yun moment muna ng
Dalawa.😁😁😁
I hope wag kayo magsawa sa paghihintay at mainip.
And thanks sa mga readers ko and nagvovote and comment.
Keep safe always guys and pray always.
Love you all😘😍😘😘

And please don't forget to vote comment and share.

Arranged Married (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon