32

2.7K 104 3
                                    

Julian pov

Di ako makapaniwalang pinasyal ako Ni Sky ngayon at ang saya saya ko ngayon Sana magtuloy tuloy Yung pagiging mabait niya sakin.

"Sky Salamat hah dahil ang saya ko ngayon at pinasyal mo ko" saka ko Siya niyakap, naramdaman kong nagulat Siya saking pagyakap at yumakap rin Siya kalaunan.

Tumagal kaming nagkayakapan doon at ako ang unang kumalas.

"Tara na gutom kana ba?" Ang tanong niya sakin"

"Oo" ang Sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang aking kamay.
Napahinto pa ako saglit.

Nagtaka siyang tinignan ako.

"Bakit?" Ang tanong niya sakin, ngumiti lang ako pinagpatuloy ang aming paglalakad papunta sa sikat na restaurant.

Puwesto kami sa pinakagitna at umorder agad kami ng aming makakain.

Ako ang pinaorder niya at ako daw ang pumili lahat ng gusto ko.

Masaya kaming kumain pagkatapos namin kumain ay nagpunta kami sa park at naglaro doon andyaan Yung sumakay kami ng first wheel pumunta din kami sa haunted house at nanood din kami ng sine.

Masaya kaming nanood at pagkatapos nun.

Magmiyerda pa kami.

"Yun oh Sky! Fishball Tayo!"

Kinuha ko Yung kamay niya at nagpunta kami Doon at bumili.

"Manong tig sampo kaming tusok salamat po!" Saka niya kami pinagtusok Ni Kuya ng kanyang fishball at binigay ko Naman Kay Sky ang isa at kinain ko rin ang akin.

Nakita ko pa ang pandidiri Ni Sky sa fishball na hawak niya.

Napatawa na lang ako at kinuha Yun at sinawsaw sa may sauce na matamis.

"Oh kain na Sky, Alam ko naman na hindi ka sanay sa ganitong pagkain sa kalye Pero kapag natikman mo Ito tiyak kong masarap at hanap hanapin mo Ito, sige na kainin Mo na yan" ang masaya kong Sabi sa kanya.

Tinignan pa niya ako, bago niya sinubo nakita ko pa ang pag nguya niya ng may pagsusuri sa pagkain.
Pero di kalaunan nasarapan din Siya at inubos Yun.

Nagrequest pa siyang hihirit pa ng isa kaya pinagtusok Ni Manong ulit Siya at sarap na sarap talaga Siya Doon.
Parang batang ngayon lang nakatikim ng Candy.

"Ack!" Ubo niya ng mabulan na Siya agad Ko Naman na binigay ang sago't gulaman na aking iniinom at binigay iyon SA kanya.
Agad niyang nilagok.

"Ok kana?" Ang may pag aalala kong sabi, tumango lang Siya at tinignan ako..
"Salamat, saka anung klaseng juice Yung binigay Mo sakin.?"

Tinignan ko siya. "Ah iyon, tawag doon ay sago't gulaman masarap di ba gusto Mo pa?" Agad Naman siyang tumango.

Nang matapos kami sa aming pamamasyal ay agad na kaming umuwi.

Pero biglang umulan at na stranded kami sa daan at baha ngayon sa kabilang bayan.

Di naman namin akalain na magiging maulan ngayon dahil ang sikat pa ng araw kanina.

"Sky? Paano yan saan Tayo ngayon?"

Napabuntong hininga siya.

"Maghanap na lang Tayo ng malapit na hotel dito pampalipas Gabi lang natin at mukhang matagal pa Ito at abutin Tayo ng maaga dito"
Tumango ako at naghanap kami ng hotel.

"Ser, isa na lang pong kwarto ang available ser" ang Sabi ng front desk sa Amin.

"And what is that?" Ang tanong ni Sky.

"Couple room po" nagkatinginan pa kami.

"Ok,kukunin ko na total asawa ko Naman itong kasama ko"

Ngumiti muna ang babae sa amin. "Ok ser, andoon na po lahat ng kakailanganin ninyo if something wrong is happen pwede ninyo kaming tawagan at kung magutom man kayo o kulang kayo sa kagamitan andito lang kami para magserbisyo SA inyo, at Ito ang room no.# ninyo at Ito po ang keycard ninyo mga ser! Mag enjoy lang po kayo at thanks po."

"Salamat din" ang Sabi ko bago kami umalis.
Kinuha pa ng butler ang aming gamit at tinulungan kami sa pag akyat ng gamit at Siya na rin ang bahalang nag park ng aming kotse.

Nakarating na kami sa aming kwarto at diretso na kaming naligo.

Ngayon magkatabi kami sa aming kama ngayon.

May pagitan sa aming gitna na unan.

Di ako makatulog Kaya kung saan saan ako bumabaling sa pagtulog.

"Can't sleep?" Sabi ng aking katabi.
"Oo eh" saka ako bumaling SA kanya Pero nakatalikod Siya sakin.

Napabuntong hininga ako at nagsalita.

"Sky?, Galit ka pa ba sakin? Ilang linggo na tayong nagkasama sa iisang bubong Pero di pa Tayo nagkakausap ng masinsinan, saka gusto ko rin na malinawan ako".

Humarap Siya sakin at ngayon isang distansya ang aming pagitan.

"What do you mean ?"

"Itong ngayon na naganap sa atin, bat mo ginagawa ito saka Galit ka sakin hindi ba? At gusto kong magkausap Tayo ng walang pagitan na away o sakitan at sigawan, gusto kong mahinahon lang tayong naguusap Sky.
At tanggap ko Naman na hindi mo ko kayang mahalin Pero kahit anung tulak at sabi ng aking isip Pero pinipigilan Ito ng aking puso lalo na Yung pinakita mo sakin kanina para talaga tayong masayang couple na walang problema at Mahal na Mahal ang isat isa."

"Ewan ko din, saka naisip kong panahon na din para matutunan kitang mahalin ng paunti unti, at di na saktan pa.
Ginagawa ko ito dahil gusto ko rin na malinawanan na at narealized kong wala naman na pag asang maging kami ng taong Mahal ko at wala rin Naman mapapala kapag sinaktan pa kita, saka asawa kita dapat ang asawa Ko hindi Ko dapat sinasaktan kundi minamahal" naiyak Naman ako sa kanyang sinabi.

"Totoo ba ang narinig ko Sky? Talaga bang asawa ang tawag Mo sakin at hindi an--"

"Shhh!, Stop crying, yeah you heard right, wala ng dahilan para saktan at iwan na kita kunsabagay napakaswerte ako sayo ,na appreciate ko lahat ng iyong ginagawa at naawa Ko Doon at naguilty dahil kahit na sinasaktan na kita hindi ka nagreklamo bagkus patuloy Mo parin akong minamahal at pinapatawad, Kaya gusto kong bumawi sayo sa lahat ng mga ginawa ko at Sana hindi pa ako huli".

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Wala akong hinangad kundi ang mahalin Mo ako pabalik at wala Naman na akong mahihiling pa kase natupad na at ikaw Yun Sky, tatanggapin kita at papatawarin araw araw kahit na paulit ulit Mo na akong sinasaktan kase Mahal kita at wala akong magagawa pa roon hindi ko kayang mawala ka sakin at mahal na Mahal kita Sky higit pa sa buhay Ko"

Nagyakapan kami at hinalikan niya ako sa aking nuo.

"From now on, I'll be the best husband for you, at gagawin Ko lahat at babawi sa mga ginawa ko sayo and I'm sorry of what I have done to you Julian I'm sorry"

"Matagal na kitang pinatawad at salamat sayo Sky"

Bago niya ako hinalikan sa aking labi.






TBC....

Please vote comment and share

Arranged Married (Mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon